Empress Balita Isyu 005 featuring Sam Milby, Janno Gibbs, and the late Joey Gosiengfiao

17 03 2007

Mas pinainit!

Mas pinasiksik!

At mas kapana-panabik! Aminin!

Narito na ang panibagong edisyon ng…

EMPRESS BALITA!…Balita!…balita!

Dahil walang tulugan ang tsismisan!

Ulo ng mga chismax!

Tsuktsakvavoom!

Sam Milby, lumalandi!

EMPRESS BALITA!…Balita!…balita…

Janno Gibbs, nagka-stalker nang menor de edad!

EMPRESS BALITA!…Balita!…balita…

At ang dakilang direktor na si Joey Gosiengfiao, pumanaw na…

EMPRESS BALITA!…Balita!…balita…

Mga tsismis na nasagap mula sa parlor!

Tsuktsakvavoom!

Tutal nakakasawa nang pagtripan si Piolo Pascual at ang kanyang inaamag na closet, ngayon ang ka-loveteam sa Spamiolo tandem na si Sam Milby ang nadidiin sa kanyang pagiging mahinhin.

Kumalat sa YouTube ang isang amateur video na kung saan lumalapok si Sam sa Jollibee na tila nakalimutan niyang lalake pala siya dapat.

Ayon sa mga baklang nakisilip sa video, halatang hater ang gumawa ng video. Isa raw siyang inggitera kasi palibhasa si Sam sikat, may ineendorsong SAM Hotdog, mas sikat pa siya kesa sa nanalo ng Pinoy Big Brother kung saan isa siyang kalahok sa nasabing celebrity search reality program, may blooming na love life kapiling si…

Si…

Sino nga ba?

Ah oo! Si Toni Gonzaga, na nililigaw DAW niya.

Panoorin ang video at kayo na ang humusga!

Ang say ni Empress: Sam, ako nga bakla pero hindi ako ganyang kahinhing lumapang. Kalokah ka!

EMPRESS BALITA!…Balita!…balita…

Na-Julie Yap-Daza kamakailan ang isang 17-year-old na dalagang pinaghihinalaang stalker ng prominenteng singer at babaero na si Janno Gibbs.

Ayon sa mga baklang nakasaksi, na-julie ang dalaga sa isang branch ng Jollibee sa Kyuzee matapos ang isang entrapment operation ng pulis sa pakikipagtulungan ni Janno. Nauto kasi ang girl at akala niya eyeball ang magaganap. Wit pala.

Ayon kay Janno, nagpapadala raw ang stalker niya ng mga death threats through text na ikinabahala ng kanyang pamilya. Ngunit ayon naman sa dalaga, nililigawan siya ni Janno at ang mga death threat daw ay pakana ng kanyang mga friends na masama ang trip sa kanya.

Kasalukuyang nakakulong ang girlalou.

Ang say ni Empress: Aba, may asim talaga si Janno. Pati menor de edad hindi pinatawad!

EMPRESS BALITA!…Balita!…balita…

Isang malungkot na balita. Sumakabilang-buhay kani-kanila lang ang direktor na si Joey Gosiengfiao, matapos atakihin sa puso.

Si Gosiengfiao ang isa sa baitkang direktor sa Pilipinas noong dekada 70 at 80. Kabilang sa kanyang mga obra ay ang Lipad, Darna, Lipad, Katorse, Bata pa si Sabel, Underage, The Rape of Virginia P, at Nights of Serafina.

Ngunit ang hindi-malilimutang pelikula ni Joey Gosiengfiao sa puso’t isipan ng bawat baklang Pilipino ay ang Temptation Island. Maliban sa napakabaduy na pagkakagawa, sikat ang pelikulang ito dahil sa kanyang memorable na dialogue at mga eksenang nakakaaliw talaga kahit na lumilihis ito sa realidad.

Saan ka ba naman makakakita ng dambuhalang fried chicken sa beach?

Ang Temptation Island ay tungkol sa apat na babaeng sumali sa isang beauty pageant at bilang bahagi ng labanan ay sumama sa isang cruise ship. Ngunit sa kasamaang palad ay nasunog ang barko’t napadpad ang apat na gerlalou’t iba pang mga kasama sa isang deserted island.

Ang say ni Empress: Mga bakla, huwag tayong magluksa. Balikan na lang natin ang nostalgia na hatid ng Temptation Island sa eksenang ito.

At diyan po nagtatapos ang isa na namang edisyon ng…

EMPRESS BALITA!…Balita!…balita…

Mga maiinit na tsismis mula sa parlor!

Dahil walang tulugan ang tsismisan!

Ako po ang inyong kachokaran, si Empress Maruja, chumichika!

Advertisements

Actions

Information

4 responses

17 03 2007
chino

urgh…sam is sooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooo gay

19 03 2007
goddess

well.. ndi ako naniniwala sa video.. bka naman umaarte lang siyang badidang diba dahil nga sa mga issue.. wala lang.. ok sana kung bading siya, wala namang masama dun.. pero i just don’t buy it.. bagay sila piolo infairness..!

13 04 2007
Xerendipity

I don’t mind if he’s gay! Ang ganda naman nya! hehehehehe.. I find that video a sweet act of him! I think he’s just playin with the issue! For me he’s still hot! And importante, may toot ….. hahahahah.

14 12 2007
kim vergara

I LOVE YOU PAPA PIOLO.!!!! AND FAFA SAM…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: