Empress Balita Isyu 004

12 03 2007

Hay nakoh! Simulan natin ang linggong ito sa mga majijinit na tsismax!

EMPRESS BALITA!…Balita!…balita…

Dahil walang tulugan ang tsimisan!

Ulo ng mga tsismis! 

Tsuktsakvavoom!

 

(Photo credits:  Philippine Entertainment Portal

Ara Mina, hindi raw namundok!

EMPRESS BALITA!…Balita!…balita…

Lani Misalucha, lumaki ang ilong, pati na ang ulo!

EMPRESS BALITA!…Balita!…balita…

At Gladys Reyes, proud na proud sa kanyang “worst billboard”!

EMPRESS BALITA!…Balita!…balita…

Tsismis na nasagap mula sa parlor! 

Simulan na ang tsimisan.

Tsuktsakvavoom!

Itinanggi ni Ara Mina na siya ay sumisimpatya sa mga Komunista matapos kumalat sa Internet ang kanyang mga larawan na kasama ang lider ng Communist Party of the Philippines na si Jomari Sison nang minsang nag-Christmas Party ito sa kanyang lupang pinagtataguan, ang Netherlands.

 

Aba! May Christmas Party pala ang mga Komunista! Katas ba ‘yan ng “Revolutionary Tax”?  Hmmm…

Ayon sa mga baklang nagbalik-loob sa gobyerno, hindi raw namundok ang sexy singer.  Ang totoo niyan ay si Joma Sison mismo ang namundok sa Mount Ara.

 

Samantala, sinabi ni Ara Mina na naimbita lamang siya sa party na ito kasama si Janno Gibbs (mangdamay daw ba?).  Ayon sa kanya mismo, hindi niya raw kilala kung sino si Jomari Sison dahil iisa lang naman ang Jomari’ng kilala niya:  si Jomari Yllana.

Ang say ni Empress:  Hija, tatakbo ka pa namang konsehala ng Quezon City at hindi mo alam ang mga people involved sa current events?  Ingat ka, baka sa susunod na party na magperform ka, kasayaw mo na pala si Osama bin Laden nang hindi mo alam.  Che!

EMPRESS BALITA!…Balita!…balita…

Tila sunud-sunod na isyu ang pumalo sa Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha pagbalik niya sa Pinas.  Una, naging palaisipan kung bakit siya lumitaw sa ASAP at hindi sa SOP kung saan siya nagmula.  Pangalawa, napansin din ang kakaibang transformation sa kanyang mukha.

 

Heto ang before.

At heto naman ang after.  Parang lumaki ang ilong.

Ayon sa mga baklang fans ni Lani, nagpaturok lang daw ang kanilang idol ng mga vitamins sa ilong.  Hindi raw po ito kaso ng “salamat po dok.”

Pero still, lumaki ang ilong ni Lani, at mukhang hindi lang iyan ang lumaki sa kanya.

Sa tatlong linggo niyang appearance sa ASAP, may mga nakakapansin na tila lumaki ang ulo ng dating Multiplex Singer turned Pinay Diva turned Las Vegas Performer.  Na parang papetiks-petiks lang daw ang kanyang performance sa #1 (daw) variety program.  Sa unang appearance niya sa ASAP, kumanta siya ng Loving You na sablay ang dulo.

Tanghali ka diyan! Kumanta ka nga noon sa Unang Hirit (as in alas-6 ng umaga) nang live at wala kang sablay doon! 

At kamakailan lang, sumemplang na naman si Lani nang hindi niya mabasa ang lyrics ng kanta.

Anuvayan?  Nagpunta lang ng Tate, pagbalik dito sa Pinas feeling magaling na kaya no need na mag-effort?

Ang say ni Empress:  Lani, ang taong hindi lumingon sa pinanggalingan ay daig pa ang amoy sa makyohong isda! Che!

EMPRESS BALITA!…Balita!…balita…

Hindi porke kilala sa pagiging kontrabida si Gladys Reyes ay papatulan niya ang komento ng radio DJ na si Mo Twister, na kilala sa pagkakaroon ng bagong kaaway sa showbiz every week dahil sa kanyang “no-hold-barred” na talk show.

Sinabi ni Mo Twister kamakailan sa kanyang talk show sa radyo na maliban sa Ellen’s at sa Belo Medical Group (featuring Richard Gomez), ang billboard ni Gladys Reyes–na kung saan nakataas ang isa niyang kili-kili to promote her underarm whitening product–ang pinakamalala sa EDSA.

Nang tinanong mga baklang kontrabida-wannabes si Gladys kung masasampolan ng katarayan niya si Mo Twister, aba’y with dignity and poise talaga ang banat ng lola niyo:

“Well, ang masasabi ko lang, at least sa dinami-rami ng naglalakihang billboards sa EDSA, napansin niya pa talaga yung sa akin!

“Kahit si bagyong Milenyo noon, nasilaw sa kili-kili ko at hindi natinag ang billboard ko! Samantalang yung iba, nagsipagbagsakan!”

Nang tanungin kung ano ang maipapayo niya sa taklesang DJ, heto ang masasabi ni Gladys Reyes kay Mo Twister:

“Bibigyan ko si Mo ng KSA Magic whitening products para ma-experience niya na pumuti ang underarm niya para hindi na siya ma-insecure sa kili-kili ko!”

Say ni Empress:  Saludo ako sa ‘yo, Gladys! Next time, dalawang kili-kili mo naman ang itaas mo para lalo pang masilaw si Mo Twister!

At diyan po nagtatapos ang edisyong ito ng…

EMPRESS BALITA!…Balita!…balita…

Dahil walang tulugan ang tsismisan!

Hanggang sa susunod! Ako ang inyong kachokaran, si Empress Maruja, nakikichika!

Tsuktsakvavoom!


Actions

Information

5 responses

12 03 2007
mandayamoore

type ko nga balita mo! sana oras-oras ang news update mo. sana kumuha ka ng mga reporters. apply ako. hehehe

12 03 2007
Lyka Bergen

Ang taray ng Lola Gladys natin! (Ang spelling ng pangalan ha!). Tho thumbs up sa sagot mo Lola!

At ang Ara? Tanga! Wahahahha! Juice naman. Tatakbo pala ang tanga?

At si Tita Lani in fernalou, ang nose. Bongga! Taray!

12 03 2007
Talamasca

Shame on Ara. Tsk.

Nice nose job, Lani. She actually looks much better now.

Hindi ko pa nakikita yung billboard na yan ha. Masilip nga.🙂

13 03 2007
chino

gladys ang sosyal mo tlga… KILIKILI!! SOSYAL!!!!

13 03 2007
goddess

sabi pa nga ni ara.. naku sayang daw at naiwan nya ang digicam nya sa backstage! STUPIDA!

si lola lani naman.. nakakahiya para sa ASAP ah.. at ang mga pagkakamali nya, binibigyang justification pa nya.. very lax nga siya.. naku, pano na ang concert? tsk3..

gladys!!! panala ka girl.. pero agree ako na worst yung kay Ellen’s ah.. you should see her in person!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: