Empress Balita Isyu 003

6 03 2007

Umaariba na naman ang isang bagong isyu ng…

EMPRESS BALITA!…Balita!…balita…

Mga maiinit na tsismis na nasagap mula sa parlor!

Piolo Pascual, na-“photoshop” na naman!

EMPRESS BALITA!…Balita!…balita…

(Photo credits: MabuhayBeauties.com)

At Binibining Pilipinas, inechapwera ang Miss Universe!

EMPRESS BALITA!…Balita!…balita…

Mga tsismis na nasagap mula sa parlor!

Narito ang mga detalye…

Pinabubulaanan ang madla na hindi po ang singer na si Erik Santos ang third-party sa relasyong Piolo Pascual at Sam Milby. Bunga ito ng kumakalat na larawan ni Erik sa Internet na nakapasan diumano sa likod ni Papa Piolo.

Ayon sa mga baklang naninindigan pa rin hanggang ngayon na amoy-lalake si Piolo, isa na naman itong malaking kalokohan. Hindi raw nakakatuwang hindi mukha nila ang nilapat katabi ni Piolo.

Kung pagmamasdan ang larawan nina Piolo at Erik nang mabuti, makikitang makulimlim ang kalangitan ng San Francisco. Mukhang may magaganap na kidlat kung sila ang tuluyang magkandaupang-palad.

Besides, happy naman ngayon si Erik sa kanyang relasyon with Ruffa Mae Quinto.

(Photo credits: Philippine Entertainment Portal)

Alam kong nasusuka kayo, pero ano’ng magagawa natin kung inlababo ang dalawa?

…Teka lang…

Sandali lang po’t may naghuhuramentado sa parlor…

May isang baklang pro-lalake-si-Piolo ang magpapatunay daw po na peyk as in peyk ang larawan nina Erik at Piolo…

Kalokah! Noong una si Rica Peralejo ang istorbo, ngayon naman si Toni Gonzaga! Che!

Ang say ni Empress: Tigilan niyo na nga ‘yan! Alam naman natin bading si…

John Lapuz! ‘Yun na teh!

EMPRESS BALITA!…Balita!…balita…

Samantala, habang nagkakasayahan ang buong Unibersidad ng Pilipinas sa pagkakapanalo ng kanilang summa cum laude/ law student/ hakutera ng special awards at kumakarir sa Q & A na si Anna Theresa Licaros bilang Binibining Pilipinas Universe, may mga nagsasabing inechapwera siya sa kakatapos lang na Binibining Pilipinas.

(Photo credits:  Mabuhay Beauties)

Tignan ang larawan at sino ang nasa gitna?  Ang pambato ng Pilipinas sa Miss World 2007 na si Margaret Wilson, isang 17-year-old stunner mula sa paaralan ng GMA Network Center.

I-rewind natin uli ang tape at pakinggan kung sino ang huling tinawag na winner?

Aba! Binibining Pilipinas World?! Di ba every year na lang ay Binibining Pilipinas Universe ang grand title?

Tila Miss World ang numero unong priority ng Binibining Pilipinas ngayon.  Tutal, ni minsan ay dinededma ang ganda ng Pilipina sa pageant na ito.  Kung hindi lang adik sa pag-text ang mga Pinoy ay walang naluklok na Ms. Philippines sa semis noong mga nakaraang taon, maliban na lang last year dahil mas kinarir ng Vietnam ang pag-text brigade (as usual natuto sa atin, pa nga ba?).

Anyway, mukhang maganda ang winners natin.  Hopefully may manalo sa isa sa kanila at hindi maging bakasyunista lang.  Chos!

Ang say ni Empress:  Kung gustong ipamalas ni Binibining Licaros ang kanyang galing sa Q & A ay dapat naman galingan niya sa swimwear at evening gown ano?!

Si Maggie Wilson naman, sana huwag siyang umasa lang sa text votes para makapasok sa semis ng Miss World.  Ang daming opportunities para makapasok neng!

At kay Nadia Lee Cien Shami, uhm…basta maging maganda ka lang.  Tutal isang malaking parada lang ang Miss International noh?!

At diyan po nagtatapos ang ating siksik liglig at umaapaw na…

EMPRESS BALITA!…Balita!…balita…

Mga tsismis na nasagap mula sa parlor!

Ako po ang inyong kachokaran, si Empress Maruja, chumichika!


Actions

Information

16 responses

6 03 2007
Lyka Bergen

Day! This is my favorite section sa blogchina mo! Kakalokah ka talagah!

With Piolo…. Juice! Tigilan na sya at iba naman. Dennis Trillo na lang pwede? Ching!

At ang Binubuning Pilipinas…. ewan ko! Pwe! Sa Miss World lang siguro ang pag-asa natin. At ang Licaros….. wiz X-Factor! Ichapwera sya! Tse!

6 03 2007
paurong

ang photoshop nga naman. obvious naman e. ewan ko lang e kung totoo talaga e.
sam + piolo + erik + sweet. hahahaha!

go binibining pilipinas winners!

6 03 2007
goddess

korak!! nagulat din ako.. Ms. World na pala ang #1 ngayon.. hay.. Ms. Universe pa rin ako..!! Walang appeal saakin ang Ms. World pageant.. kahit ilang fast track pa ang gawin nila..!!! at least, Ms. International pa rin ang huli.. Maloloka ako pag eto talaga ang maging #1.. Hay, ndi matatawaran ang malalaking ilaw sa gilid ng rampa sa stage Ms. International.. Don’t forget the ever Japanese host!!

7 03 2007
ate sienna

hay naku.. pinaguusapan pa ba si piolo.. eh obvious ba…

na tao sya?!?!?!?!?

7 03 2007
lance

hehe, ang galing ng photoshop talaga.

kung hindi talaga masusi ang iyong paningin sa panahon ngayon, sifurado maraming buhay at bahay ang masisira.

advertisement lang po
watch kabataan party list video

salamat po.

7 03 2007
chino

aba aba aba.. naway manalo ang bbpu natin!! gloria diaz 2!!! hahahahahaha

7 03 2007
fabulously EB

well, as for me, im crush of piolo. he is hot like san mig conffees you know. im tell “hmmmm…” when im drinks san mig coffee for all variants because im thought of sip piolo.

but how are piolo relateds to my one and only loves paolo? they the same names almost. piolo and paolo. are two twin?

7 03 2007
emperorbananaketchup

Margaret Wilson looks my my former co-wavemate sa training.

At 17 and so tall…gee, why didn’t I have these kind of classmates back in high school???? Most of the pretty ones back then were hobbits, ‘tang na!!!

7 03 2007
Bryan Anthony the First

sino kaya botttom? piolo o eric?

7 03 2007
deejayz

dati pa yan, last na tinatawag ang bb.pilipinas-world. bagong trend, bagong milenyo na..

7 03 2007
imbestigador

Wow! yung nanalong BB.Pilipinas Universe,May Beauty na,Nakapagtapos pa ng Law!

Sarap asawahin😆

8 03 2007
Talamasca

I’m currently LMAO like crazy!

Thanks for the laugh, dammit!!!

8 03 2007
chase

It does look obvious when you look closely at the pic!

9 03 2007
foobarph

pusa… wawa naman si papa piolo. lolz ^_^

(ill add you in my blog roll list for future comments about your post. ^^)

9 03 2007
jase

Very informative ka Day!!! Sana ay mas marami pang balita next time… o diva?

15 06 2007
clariz

basta kht cno pa ang huling i mention we should support our representatives..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: