Baklaan Alert! Ang Pagbabalik ng Super Sireyna!

1 03 2007

Oh my gulay!!! Binalik for one day only ng Eat Bulaga ang isa sa kanilang top-rating na portion, ang Super Sireyna!

I’m sure ang mga bakla diyan nostalgic! Lahat tayo nangarap minsan na sundan ang yapak ng mga Artadi, Montecarlo, at iba pang mga beteranang byukonista. Kaya lang, masyadong tayong mapanga at magmumukha lang Rolando Navarette kahit na naka-wigham. Kaya ang bagsak, ninang! Taga-fit ng gownang, taga-punas ng pawis, taga-apply ng kukoryo mula sa fez hanggang sa singit, kasalo sa binatilyong irereto ng may-ari ng bahay na magsisilbing dressing room niyo. Yez, naranasan ko lahat ng ‘yan.

Noong college ketch ay sandamakmak ang mga amiga kong dingga. Minsan ay hinatak ketch ng isang baguhang kontesera at hinimok niya akong mag-ninang. Siyempre pumayag ketch. Sinuyod namin ang bawat pageant sa bawat kanto ng Sampaloc noong kasagsagan ng pista ng Santo Nino. At bilang ninang, dapat mega-palakpak ketch habang rumarampa sa opening ang kontesera mo…

(video credit: Pinoy Rickey)

Habang saylalu ketch ang pagrampa ng mga bakla, naiimagine ko na ang aking opening. Naka-kimono ketch with matching taas ng leg…

“Kung ang babae’y nagigipit, sa patalim kumakapit. Kung ang lalake’y nagigipit, sa bakla kumakapit. Good evening ladies and gentlemen! Standing right in front of you is a sixteen-year-old stunner all the way from the land of progress, Quezon City. Ako po si Binibining Maruja, mas kilala bilang babaeng nagpaaray sa buong bansa. Walang iba kundi si Mae Rivera!”

Hindi lahat ng beaucon na sinuyod namin ay may talent portion. Pero kapag nataong meron, Muslim dance ang drama namin at ako pa ang magsisilbing kaisa-isang back-up niya: bilang damang taga-hawak ng payong.

Aba! Mas mabuti na nga ‘yang puki-puki talent kesa naman sa kyolent ng ibang kontesera, gaya na lang ng nag-macho dancing (na laging nagwi-win…che!) o kaya ang nagmo-monologue habang nagdo-drawing. ‘Yung monologue tungkol sa pag-aalipusta sa kabaklaan…

“…Sige! Ipaglaitan niyo kami! Ipagkait niyo kaming bahagi ng inyong lipunan! Suntukin, yurakin, durain, apak-apakan…sabay punit sa larawang ito!”

Ipapakita ang picture, portrait ni Jesus pala ang ginawa. Kalokah!

(video credit: Pinoy Rickey)

Hay naku! Sa ilang beses kong pagninang kay Georgette aka Ara Mina, ni minsan hindi man lang nag-semi! Kaya hayan, hindi niya naipapamalas ang kanyang galing sa Q & A. Minsan nga, sa pang-ewan na pageant na naging thank you girl si Georgette napa-iyak na lang sa akin.

“Porke anak ng kagawad ‘yung pangit sinami sa semi…”

Siyempre naaawa naman ako sa kanya. Hindi biro ang ginagawa namin noh!

Isang gabi hindi ko na siya nasamang mag-ninang sa isang pujent (kasi naman nag-aaral ako noon). At pagdating ko sa tambayang kyolor, aba! Titulada ang Georgette! Miss Star Gay Millenium!

Parang naisip ko na lang na siguro malas lang ketch…chos!

Anyway, nagpanalo kay Georgette ang Q & A, parang Miss India sa pangangarir.

(video credit: Monyoman)

So ayun, hindi ko na hinangad pang mag-beaucon. Baka kung tinuloy ko lang ay ako na ang hahakot ng “Darling of the Crowd” award.

Advertisements

Actions

Information

8 responses

1 03 2007
chase

hahaha I remember that show. It was fab actually!

1 03 2007
chino

ang taray ng entrance mo a.. dapat may kick pa o kaya cartwheel!

1 03 2007
Lyka Bergen

Aaaaay! Wagi ka Empress! Thank you for sharing carlos!

Miss na miss ko na to talagah! Fave ko tong panoorin noon.

In fernalou, deserving ang winnie monsod ha! I like the 1st runner-up’s gown.

Mas maganda pa sila kay sa present Bb. Pilipinas contestants ha. At ang mga gowns. Zana ganon din ang sa Bb. Pilinas.

Si KC kakalokah! Kalookan City from Kalookan City! Tawa ako ng tawa doon ha!

Maganda yung naka baby pink gown pero turn off ketch sa answer nya. Pang Zuper bading Model na lang sya! Diva?

Congrats sa mga win!

1 03 2007
mandayamoore

wagi!

8 07 2007
Q

Hola ze Bunnyman! yeh yeh yeh!

8 07 2007
kei

Waaah, naunahan ako ni Neil!!! Wahehehe!!!! Pangalawa lang ako. Anyway, huli ka pa rin, bunny man!

9 07 2007
Bunny Man Hunt #9 Winner « They Call Me Maruja: A Colorful Life at Random

[…] elusive hot guy dressed in a bunny costume was spotted over at “Baklaan Alert! Ang Pagbabalik ng Super Sireyna!,” a nostalgic trip back in the days when I used to accompany an aspiring gay beauty queen […]

12 07 2007
travelphilippines

its part of childhood routine haha. sana binalik na talga not just for one day

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: