Empress Balita: Mga Tsismis na Nasagap sa Parlor

23 02 2007

May bagong pangalan na ang Weekend Updates!

Yezzzz, mga dingga! Maz pinainit at maz pinatindi pa ang aking pagbibigay-ulat!

Ito ang…

EMPRESS BALITA!…Balita!…balita!

Mga kaganapan sa mundo ng shoobis at pulitika, masusing sinagap mula sa parlor at inispluk sa madlang people!

EMPRESS BALITA!…Balita!…balita!

Ang ulo ng mga tsismis!

Kris Aquino, Kinakarma?

Manny Pacquiao, Mataas ang Pangarap!

Narito ang mga tsismis…


Kamakailan lang ay chinugod ever sa ospital ang Reyna ng Game Shows at former presidential dawter na si Kris Aquino. Ayon sa mga tsismosang bakla, hindi na raw ma-take ni Kris ang stress na kanyang nararanasan dahil sa lumalalang pagsiwalat ng pangangaliwa ng kanyang jowang basketbolista na si James Yap, espeyshali lumantad na on national tsismis television ang diumano’y kabit ni James na itago natin sa pangalang Hope, isang dating empleyado ng Belo Medical Clinic.

Napipintong ipalabas sa Sabado ang exclusive TV interview kay Hope sa Startalk at pinakita sa mga TV reports ang mga patikim na tanong ni Lolit Solis, gaya ng kung nagkatikiman sila ni James sa kanilang 10-buwang bawal na relasyon. Sabi ng mga tsismosang na nakikiuzi sa mansyon ni Kris ay nasaylalu niya ang mismong report na itech na nagpakulo ng kanyang dugo’t emosyon hanggang sa wiz niya kinaya’t jinimatay na lang ever.

At heto namang mga nega sa sinasabing masamang ugali ni Kris, nagpiyesta ever! Claim nila kinarma daw si Kristeta dahil dati siyang kyobits nina Robin Padilla, Phillip Salvador, at Joey Marquez. Pinapatikim daw kay Tetay ang feeling ng nasusulutan at naaagawan ng asawa. Kalokah!

Ang say ni Empress: Masakit talaga ang katotohanan. Kaya nga tayo naoospital minsan. Chos!

EMPRESS BALITA!…Balita!…balita!

Naku ha! Tila hindi lang pangarap na bituin ang inaabot ni Manny Pacquiao sa ngayon, kundi pati na rin ang galaxy!

Kalat na kalat na ang balitang kyokyokbo ever ang Pambansang Kamao/ Commercial Endorser bilang congressman sa kanyang hometown sa General Santos City, at bilang pangontra sa mga bumabatikos sa kanya na kesyo kulang pa siya ng pinag-aralan, ayun…nag-exam sa DepEd at pumasa! Kakatanggap lang niya ng certificate na katumbas ng high school diploma. Nang tinanong ng mga baklang reporter si Pacquiao kung saang universidad niya balak pumasok, nag-statement ang boksingero na balak niyang kyumosok sa De-aneyoh (The Ateneo, mga dingga!).

Ayon sa mga baklang fans ni Manny, hindi lahat ay agree sa kanyang pagtakbo sa pulitika, pero ano magagawa natin? Mukhang desidido talaga siya ever.

Ang say ni Empress: Isang malaking good luck!

At diyan po nagtatapos ang unang edisyon ng…

EMPRESS BALITA!…Balita!…balita!

Mga tsismis na nasagap sa parlor!

Hanggang sa susunod. Ako ang inyong kachokaran, si Empress Maruja, nakikitsismax!

Advertisements

Actions

Information

8 responses

23 02 2007
chino

shet..

un lang.. hahahahahahahahaha!! 😀

23 02 2007
Lyka Bergen

Bonggaels ang mga empress balitang etets…. dito ko first nalaman ang two balitaktakang etets.

Masaya naman ako kay Kris… as in Meeh Vuti nga! Kakalokah ever. I like her naman dahil bading na bading ang bruha pero ang totoots character ng lokah di ko ma-take. Malditash nga raw yan sa tunay na buhay….

At may mga bading palang fans ang Pacman na tets? Di ko yan ma-take ha. At di lang pala pang boxing ang pambansang kamao, pang track and field din pala etosh! Sheeeet. Tatakbo ang lokoh!

23 02 2007
Talamasca

Kris Aquino had that coming. She’s cursed. Poor thing.

25 02 2007
imbestigador

Wag kasing mang-agaw ng May asawa para pagdating ng panahon hindi naman siya yung Maagawan 😆

28 02 2007
Miko Dela Cruz

lol @ she’s cursed!~

3 03 2007
jeff

wala lang

3 03 2007
jeff

sana naman magkaayos na sila james at kris hahahah

6 09 2007
tin

wow!what kind of news is that!…….?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: