Ang Kumakalat na Sumpa

13 02 2007

Pagkatapos ng isang nakakalokang biyaheng papuntang opisina, nagulat ketch sa aking nasaksihan pagjonta ketch sa kyubikelli.

Ang isa kong officemate, nagpakalbo.

Kalokah.  Kumakalat ang sumpa.  Apat na sa teammates ketch ang wa hereret, panglunas sa falling hair ever.

At heto namang isa kong ka-teammate na bokal, nanakot pa.  Isa-isang sinabihan ang mga mhinlalu sa team, pati aketch, na “susunod ka na!”

“Susunod ka na!”

“Susunod ka na!”

“Susunod ka na!”

“Susunod ka na!”

“Susunod ka na!”

“Susunod ka na!”

“Susunod ka na teh!”

Hindeeeee….!

Ayokong mawala sa akin ang aking pinakamamahal na hereret! Bumayla na nga ketch ng Pantene Hair Fall Control Shampoo para hindi lumala ang paglagas ng hair ketch.  Inuubos ko na rin ketch ang Mane N’ Tail Conditioner na hindi na ginagamit ng aking pujay para lumago ever ang hair (magmukha mang pangarera ang effect, KIBER!).

Pero sa tuwing pag-type ketch sa work station, mapapasin ko ang mga buhok na mag-mamagic na lang sa desk ko.

Nagpapalakpakan na siguro ang mga laitera sa bawat bagsak ng hair ketch.  Tumatanda na ang bakla, nagmumukhang gurami thunder na rumarampage sa mga madidilim na sinehan sa Quiapo!

Hay naku, hindi ako magpapa-loss noh! Kakalabanin ko ang sumpa! Siguradong may magic na panlunas ‘yan katulad ng isang magic lagok ng magic formula, o kaya isang magic kiss mula sa isang Magic Prince Charming.  Kahit ano pa, huwag lang akong magpakalbo.

Magpapakalbo lang aketch kung magmukhang Prayleng Cappuccin na ketch. 

Teka, parang ampangit naman kung hihintayin ko pang magmukhang headband na lang ang hair ketch.

Ah basta!


Actions

Information

2 responses

14 02 2007
aries

who’s that chinito at the last part of the commercial?
…(off-topic! hehehehe)

14 02 2007
empressmaruja

@ aries – I don’t know either. Sorry.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: