Starbucks sa Ortigas, Walang Kuwenta!!!

26 01 2007

Hindi ko nilalahat ang Starbucks dito sa Pinas bilang walang kuwenta.  In ferrness naman, patron ketch ng Nyorbaks kahit papaano (pero mas lyka ketch ang Coffee Bean and Tea Leaf).

Kasi unlike sa Coffee Bean na titig ever lang ketch sa blackboard kung aneking tsaa ang order ketch, sa Starbucks talagang kinakarir ko ang pagbaylalu ng kape ever, especially noong sa Makati pa ang night job ko.  Custom order ang kape ko doon, mula sa kung ilang espresso shots, aneking creamer ang ilalagay, aneking syrup, kung may whip cream be o wa.  At kahit gaano man ka-outrageous ang order ko, tumatama naman!

Pero day, nang lumipat ang office sa Ortigas, doon ko lang na-knows ever na wiz equal ang Starbucks sa Pinas.  Parang Coke na mas masarap sa Ilocos, pero wa taste sa Manila.

Kagabi, nanlibre ever ang team leader namin ng Starbucks at nag-take ng orders.  Siyempre, nakagawian ko na ang karirin ang order sa Starbucks, ako naman si tengengot:

“Single shot espresso with vanilla syrup and half-and-half.”

Teammate ko ang bumaba para bumaylalu sa pinakamalapit na Starbucks sa Ortigas.  Ilang minuto, shumawag ang teammate ketch sa nyelphone ng team leader.  Hinahanap ako.

“Hindi raw nila ma-gets ‘yung order mo.  Cafe Americano daw ba ‘yun?”

Pakisabi sa barista, brewed coffee ‘yun na may additional na isang shot ng espresso tangengot siya.  Pero para wang away…”Oo Cafe Americano.”

After ilang minutes, call na naman teammate ketch.

“Ano daw ba ‘yun half-and-half?”

Half-and-half.  Half whole milk, half skim milk.  “Milk na lang nga.”

Dalawa na wrong nila…

Pero itech ang ultimate.  Shuwag ever na naman ang teammate.

“Hot daw ba ‘yun o cold?”

Nagpakatotoo na ketch.  “Hot naturaleza.”

Day, pagdating ng kape ketch…PAKLA! Wa ketch ma-feel na may espressong nilagay ang bobong baristang ‘yun.  Para ketch umiinom ng Nido na may Nescafe.  Walang kuwenta!

Pero siyempre tiis-ganda.  Inom pa rin ever ng kape kahit…juice ko pineapple.

In ferrness, nag-statement lola niyo:  “Sa susunod na lang nga, mocha frap na lang oorderin ko para ma-gets.”  Tawanan lahat.  Pati aketch natawa sa katangahan ko.  Tanga akong nagtiwala na pare-pareho ang Starbucks sa Pinas.

I miss Makati…

Advertisements

Actions

Information

9 responses

26 01 2007
chase

too bad since we dont have Starbucks here unlike when I was in Paris. They have Starbucks there. But I still like those small coffee shops. It is quite intimate.

28 01 2007
Lyka Bergen

Natawash ketch Misis! Kakalokah…. sana kape barako na lang para zuper getching ng barista!

29 01 2007
anton maton

tangina kasing kape yan! napaka-complicated! juice ko! kumplikado na nga ang buhay ng mga badesh … lalo pang naging kumplikado sa pa-sosyal na kapeng yan! leche!

wala bang gulaman at sago?

ps. hate ko rin ang starbucks.

2 02 2007
Megan

Graveh namang katangahan yon… Teka lang ateh, saang Starbucks to, along Emerald ba o yung sa me Podium?

Mas like ko pa rin ang Coffee Bean, mas mashoray ang view, hahaha.

2 02 2007
empressmaruja

@ chase – It would be great to have coffee in Paris. That would be fabulous!

@ Lyka Bergen – Sana nga may ganoon ang Nyorbaks noh? O kaya sana nandoon na lang ketch noong umorder tapos pag nagkamali ang barista iuuwi ko na lang bilang bayad-atraso.

@ anton maton – Dude, simple na nga order ko eh. hehe…

@ Megan – Ateh, none of the above, mukhang isolated yata sa buong Ortigas itechiwang Nyorbaks na to. Kung malapit nga lang ang office namin sa Coffee Bean malamang yun na ang aking new-found na tambayan…

2 02 2007
pat

sana kase inespecify mo kung anong espresso drink trip mo. from afar kase di magegets agad nung barista kung latte ba o drip o americano coffee mo. pero in fairness shongaerz nga naman ang baristang di alam ang half & half. sa makati ka na lang magstarbucks kung saan mahusay at perceptive ang mga barista. Ü

21 02 2007
4dview

atleast it taste like coffe. ^^

31 05 2008
jolly

hi dear,

i’m a starbucks addict so i read their brochures placed near the condiments area. based on what i read, here’s how u order customized drink:

1) hot / cold?
2) shot: single – for 1 shot; doppio for 2
3) size: short, tall, grande, venti?
4) syrup: vanilla, hazelnut, peppermint
5) milk: half&half, nonfat, soy
6) custom drink: u want it extra hot? w/ or w/o whip?
7) name of drink: americano, latte, mocha

** for americano
small = 1 shot of espresso
tall = 2 shots
grande = 3
venti = 4

unless specified, the barista won’t fully understand it, but he should have asked all pertinent details at one time to avoid further delay. you’re a regular customer at makati, that’s why they’re already familiar w/ your drink.

i go to coffee bean – emerald and greenbelt once in awhile though i only order hot chocos. 🙂

happy drinking to all!

31 05 2008
jolly

btw, your ‘complex’ detailed order should have been:

hot single [size here] vanilla half&half americano =)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: