Shameless Plugs: Indie Sine Itech

17 01 2007

Sa mga baklang buwisit sa mga entry ng Metro Manila Film Festival last Christmas, basa na mga teh!

Ngayon ang second day fara sa Bagong Agos Independent Film Festival na gaganapin until January 24, 2007. Sugod na mga chupatid sa Cinema 8 ng Robinson’s Galleria (oo mga teh, the home of the human ahas na lumamon kay Alice Dixson).

Unang pasabog ng festival kahapon ay ang “Huling Balyan ng Buhi” na kinoronahang “Best in Picture” noong Cinema One Originals pageant last year. Ang story nitech ay tungkol sa endangered na Buhi Tribe sa Mindanao, kung saan ang kanilang babaylan na si Idang ay nakagawa ng isang milagrong Katoliko: ang stigmata. Dahil sa milagrong itech, nagkadagulo-gulo ang buhay ng tribo sa kung papaano nila papanatilihin ang kanilang tradisyon at religion.

The movie na itech ay shot entirely in North Cotabato at pinabibidahan ng actor-con-restaurateur na si Bembol Roco.

Isa pang dapat abangan mga teh ang “Babae sa Breakwater” ni Mario O’ Hara, ang pangalawang Pinoy film na naka-join ever sa Cannes Film Festival. Bida ditech ang starlet na si Katherine Luna (itech ba ang kanyang first and last movie?) na ang role ay…pa nga va? Isang prostee the snowman na larga ever sa breakwater ng Manila de Bay.

Na-meet ng lola Katherine niyo ang isang inosenteng probinsyanong papa na si Kristofer King. Maliban sa pagbenta ng karne sa hita ng hitad, favorite hobby nila ever ang magkainan. Ofo mga kafatid, gora ever sila sa basurahan malapit sa isang restaurant at lalamon na lang doon ng mga tira-tira. Yuck! Swear!

Kung wiz niyo Lyka Ugarte ang mga kipay, bakit ‘di niyo panoorin ang mga na-miss ninyong mga pelikulang naka-relate tayo in one way or another? Maliban sa “Pagdadalaga ni Maximo Oliveros,” abangan niyo rin ang re-run ng “Masahista” ni Brillante Mendoza. O di vah? Title pa lang, panalo na agad sa panlasa ng 99% ng sangkabadinggaan ng Filipinas.

Isa ring nakakaintriggang moveeh, at gagawan ko talaga ng faraan para ma-watch itech, ang “Metlogs” ni Cris Pablo. Huwag malisyoso, ibig sabihin niyan “Metrosexual Jologs” at wiz ngongo-version ng “Vetlogs” (although at first, akala ko nga ngongo ang nag-spluk ng title).

Panalo ang casting nitechiwa! Kumpletos rekados! Una, nandiyan ang masarap na papa na si Tyron Perez. Isama niyo pa ang di-masyadong papable (pero magaling na akteur) na si Marky Lopez, ang lalakeng pinaghihinalaang bakla na si Paolo Ballesteros, ang babaeng napagkakamalang bakla na si K Brosas, at isang totoong bakla…si Chokoleit. Mag-whisper with wings daw va?!

Ipapalabas ang Metlogs (along with Maximo at Masahista) sa January 20. Sabado ‘yun, kaya I’m sure day-off itech ng mga bakla sa call center. Gora na ever!


Actions

Information

4 responses

18 01 2007
youthpeacenetwork

sana makanood kami sa gale ng film fest. ayos na post! ^^

18 01 2007
chase

i wanted to see that Pagdadalaga ni Maximo Oliveros and show it on my film club here

19 01 2007
Lyka Bergen

Vuti ka pa dyan at may access sa mga pelikulang itets. Sa apat na na-mention mo, Ang Babae Sa Breakwater lang ang watch ng lola! Ok naman sya pero di masyadong OK sa akin……

Abangan nyo na lang pag-graduate na ketch sa Film School… Babalik at babalik aketch sa Pinas at sasali din ako sa mga indie indie films na tets! Vavvvooooooo!

20 01 2007
empressmaruja

@ youthpeacenetwork – gusto ko ring manood this saturday. hopefully makapunta ako, kaya lang…

@ chase – i think the DVD of Maximo is already out.

@ lyka – ay! aabangan ko yan teh! puwede po aketch mag-extra?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: