Ang Aming Hacienda Kangkungan at ang Lumulutang na Roast Beef

8 01 2007

Kakarating ko lang galing sa aking vacacion grande papunta sa Pampanga. Antagal na akong hindi nakakauwi sa home town ng aking mudra, eh ngayon “required” na akong umuwi kasi una miss na raw nila ako (paano ba naman halos isang taon na akong wala doon) at pangalawa para makita ko ang family ng tita kong umuwi galing Amerika. Blessing kasi ng tinayong bahay nila.

Nakiangkas ako, ang aking papa, at bunso, sa sasakyang dala ng kanyang kumpareng nag-engineer sa balay. Lagi kasing sinasabi ng Daddy ko na hanggang Novaliches lang kasi ang kaya ng aming Kuvel Wagon.

Pagdating namin sa San Simon ay nakita ko na ang pagbabago. Ang dating sitio kung saan nakatira halos lahat ng aming kamag-anak ay isa nang gated community. Ang dating palayan na mag-isang sinasaka noon ng aking lolo ay pinaghati-hati ng mga anak (dahil walang gustong sumunod sa yapak niyang maging magsasaka) at ginawang mga bahay.

Pagpasok sa aming Hacienda Imperial ay nagbungad na sa amin ang mga bahay na patalbugan sa pagarahan. Paglakad namin papunta sa bahay ng aking tita ay itinuro ng kapatid ko kung saan ang aming bahay dito sa hacienda.

Nang makita ko, tanong agad ako: “Saan?”

Isa palang malawak na kangkungan ang nakabahagi sa aking mudra. Talaga namang in full blossom pa ang mga kangkong.

“Imagine mo na lang meron,” sagot ng Daddy.

Pumasok ako sa bahay ni Tita S na matagal ko nang hindi nakikita. Nakitira ako minsan sa kanila nang minsang magbakasyon ako sa Amerika.

Binati ako ng aking mga kamag-anak at hinanda ko ang aking sarili sa mga sasabihin nila:

* Antaba mo na, Maruja…

“Ano ka ba? Papayat na ako nito! Hanggang ngayon nga kapag bumibili ako ng t-shirt, pinagkakapilitan ko pa ring medium ako.”

* Pumunta ka na ring Amerika…

“Sige po, siguro within this year. Matagal pa naman po ma-expire ang visa ko.”

* Kuya, bakla po ba kayo?

“Hindi, ineng. Babae ako. May balbas lang, pero babae.”

Kakatapos lang pala ng blessing nang makarating kami sa bahay. Nagsisimula na ang kainan sa catered na buffet na nakabalandra sa amin sa typical na pagkaing Kapampangan: Rich (lumangoy sa mantika) at Healthy (ang salad dressing ay mayonnaise na may mais at pasas).

At guess what? Pinatos ko lahat! Mula sa Pancit Canton na sagana sa gulay at hipon, ang roast beef na lumututang sa gravy at mantika, ang vegetable-seafood combo, ang Kapampangan-style Chicken Teriyaki, at spicy seafoods casserole. Lahat nagsiksikan sa aking plato, nag-aagawan sa atensyon para sila ang una kong kainin.

Nang makita nga ng Daddy ko ang plato ko akala niya serving plate. Sabi ko na lang, “Pa, kapag inunti-unti ko lang ang paglagay ng pagkain sa plato ko, mapapahiya lang ako.”

Advertisements

Actions

Information

One response

8 01 2007
Talamasca

Kuya, bakla po ba kayo?

“Hindi, ineng. Babae ako. May balbas lang, pero babae.”

Nyehehehe. O_o

So you’ve finally made the shift to WordPress, huh? Cool. Ok, I’ll update my blog roll right away. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: