Random Hot Men: Jiri Borkovec

3 01 2007

Hindi porke naglipat ako ng bagong blog service ay iiwanan ko na lang basta-basta ang mga nakahiligan ninyong mga ineng! Siyempre ako rin, na-miss ko rin itong Random Hot Men.

At lalo namang nag-stimulate ang mga nerve endings ng lola mo nang may natagpuan siyang bagong guilty pleasure: muscle worshipping. Nanonood ako ever ng mga videos ng mga lalakeng walang ginawa kundi mag-flex ever ng kanilang mga tinapay. (Pagpasensyahan niyo na ang kaunting layaw na ito. Isa lamang akong hamak na matabang bakla na ibig sumamba sa magandang hubog ng kalalakihan.) Sa aking pag-browse ever sa mga muscle videos, may isang lalakeng nakapukaw ng aking atensyon…

Handa ka na va?

Jiri Borkovec

Siya si Jiri Borkovec, isang junior bodybuilder mula sa malayong lupalop ng Czech Republic (pugad ng mga pinakamashalap na fafa). Isa siya sa pinakasikat na fitness model ng kanyang bansa.

Jiri 02Rise to prominence si Kuya nang mapanalunan niya ang 2nd place overall sa unang bodybuilding contest na kanyang sinalihan, ang Bohemia Teen Nationals noong 2004. Hindi naglaon ay kabi-kabilang trophies ang nauwi ng aking Koya, kabilang na ang first place overall para sa Bohemia Junior Nationals last year. Kitang-kita naman sa kanyang wankata na very ismoooth ang bawat hubog (walang bakas ng steroids, mga bakla!).

Vente-kuwatro anyos lang si Koya. Ilan sa kanyang mga favorite hobbies ay ang paglaro ng ice hockey at volleyball. At biruin niyo, idol niya ever si lolo Arnold Schwarzenegger.

Jiri 03Sa ngayon ay may girlfriend siya (at bakit ko naman ipapakita ang picture ng bruha?), at very friendly sa kanyang mga fans at admirers. Isa rin siya sa mga top models ng Czech Young Muscle.

Ang talagang nagpapukaw sa aking atensyon ay hindi dahil sa kanyang magandang katawan, kundi dahil sa kanyang maamong fez na kapag nasa isang anggulo ay kamukha ng isang lalakeng minsang nagmahal sa akin.

Anyway, hindi nagtatapos sa Czech Republic ang kanyang mga pangarap. Ultimate dream ng Jiri ang pumunta ng Amerika upang makasali sa mga bodybuilding competitions doon. Siyempre, hindi mura ‘yon kaya naghahanap siya ngayon ng mga sponsors na tutulong sa kanya. Puwede niyo rin siyang tulungan sa pamamagitan ng pag-order ng kanyang mga DVD, autographed photos, etc, sa kanyang official site.

Ano pa ba hinihintay ninyo, mga bakla? Mag-chip-in na tayo para maabot ni Jiri ang kanyang pangarap na bituin!

At bilang patikim, may espesyal na handog si Jiri sa inyo…

(Buong-buo ang bawat noodles! Pinapasakit niya ang aking ulo! Pinapakulo ang aking dugo!)

N. B. : First photo credited to Vojtech Borkovec.

Advertisements

Actions

Information

2 responses

3 01 2007
Lyka Bergen

Aaaay. Napalaway ako ng husto! Tulo ang Haagen-Dazs Vanilla Bean Ice Cream ko!

25 06 2007
Random Hot Men: Jiri Borkovec Dominates MuscleMania Miami! « They Call Me Maruja: A Colorful Life at Random

[…] Maruja is so thrilled to learn that my peborit body builder ever, Jiri Borkovec, won his first US competition over at MuscleMania Universe held in Miami.  Not only he won the […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: