Mga PagbaTITI #1

10 03 2008

BinabaTITI ko ang aking mga amiga!

* Una kay Lyka Bergen, na dating member ng Las Tres Estrellas, ngayon ay isa nang solo starlet sa pelikulang “Idiin Mo Pa, Mawawala Rin Ang Sakit”, ng Happy (hulaan ang edad) Birthday! Kavertday rin ang kanyang “manager” na si Mama O! Happy Birthday, mga Mare! Sensya hindi ako makapag-greet sa blog mo Lyka dahil blocked ang Blogger.com sa jufisina, kaya umeffort ang bakla ditets instead.

* Second kay Reyna Elena for continuously and shamelessly promoting my blog. Nakakataba talaga ng puso ang ma-mention ng “Reyna ng mga OFW”, kaya isang malaking thank you ang aking handog!

* Pangatlo kay Shahani, dahil sa kanyang mega-may-I-promote-Empress-Maruja sa kanyang Blogger, LiveJournal, at Multiply sites! Salamat din, Mare! I swear, mas lalong tumiba sa takilya ang Amazing Race Asia 2 kung naroon ka. Aba, kung mga pamhintang hachoo nga ang mga naging titelera, anufa kaya ang mga katulad nating magaganda?

At dahil diyan, narito ang handog ni Empress Maruja sa inyong tatlo…

Bahala na kayong paghatian ‘yan.  Dalawa lang ang kaya ng budget ko.








Follow

Get every new post delivered to your Inbox.