Ask a Bakla: Ang Becky at ang Beaucon

27 10 2010

Maraming utaw na ang tingin sa mga bading ay nagmula sa ibang planeta. Paano kasi, kakaiba naman ang kanilang kultura at hilig. Curiosity sila tuloy sa kung why-c bikini brief ganitets at ganire ang mga becky lou blanco.

At dahil diyan umusbong ang Ask a Bakla. Gaya ng Ask a Mexican, Ask a Russian, at Ask a Korean, itets ay isang in-depth (in-depth daw oh!) analysis sa natatanging baklang Pilipina. Take note, ang aking opinyon ay hindi representante ng buong sangkabaklaan, medyo lang!

Heto, may phone-in question tayo…

Dear Empress Maruja,

Bakit ba ang mga bakla mahilig sa beauty pageant, eh mga babae naman ang nandoon?

Lubos na gumagalang,
Chona

Hmmm… That is a very interesting question, pero ganito ang pagkakaalam ko kung bakit adik ang mga bakla sa beauty pageant.

Kahit kasi puso at isip-babae kaming mga bakla, tandaan natin na physically lalaki pa rin kami. At gaya ng mga lalaki, mahilig din kaming kumilatis ng kagandahan, although in this case not in a sexual manner but more analytical in nature. Na tipong, “Ah… mas maganda ‘di hamak si Miss Sauyo kumpara kay Miss Gulod kasi tamang-tama ang proportion ng katawan niya, maamo ang kanyang mukha, at higit sa lahat kulay-Pilipina.”

Ganyan din kami kumilatis pagdating sa male beauty pageants. Maliban sa mukha at hubog ng katawan, siyempre may iba kaming iniiskoran at kino-compare notes. Notes, este… knows niyo na dapat ‘yon.

May katanungan ba kayo kay Empress Maruja? Sulat lang! empressmaruja (at) gmail (dot) com.


Actions

Information

2 responses

27 10 2010
mrs.j

winner ang konsepto! hello po tiya maruja ako po ay isa niyong tagahanga pagdating sa pagsusulat… mag ka org din po tyo! (happy 30th anniv!)
hihi..

tanong…

bakit po ba mabenta ang mga asianong becky lalo na pinoy sa mga puti o briton??

31 03 2011
Gregg

Tama ba ako? Last December pa huling entry mo?

Bumangon ka, Maruja!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: