Sosyal ba Kamo?

11 01 2009

Kapag sinasabing TriNoma, ang karaniwang maririnig natin sa mga paved sidewalks of Alabeng at al fresco cafes ng Makhedi na sa wakas, nagkaroon ng kasusyalan ang North of Manila. Kahit sa mga Internet forum may mga masasaylalu kang mga comment na kesyo “mas sosyal” ang TriNowwwmuh kumpara sa iskwalalung mall sa tapat nitets.

Ang sagot ko lang diyan: Wiz pa kayo nakakapunta ng TriNowwwmuh ng Linggo.

Kanina lang, pagkalafang ko ng Vietnamese Vermicelli Bowl sa Pho Hoa, kyosoke akets sa loob ng TriNowwwmuh. Pagkyosok pa lang sa entrance ay may narinig na akets ng tilian galore, kyokbohan ang mga jutaw. May sunog ba, gusto kong itanong.

Sinundan ko kung saan nagkyokyokbuhan ang mga utaw at naririnig ko ang malakas na boses ng isang host. Sigaw siya nang sigaw, “Magsiupo kayo! Magsiupo kayo! Kung ayaw niyong umupo, humiga kayo!”

Dagdag niya, “Talaga namang dumagsa dito ang ating mga Kapamilya para lamang makapiling ang mga bida ng Love Me Again na sina Piolo Pascual at Angel Locsin!”

So hayun pala ang dahilang ng commotion. Punung-puno ng tao ang pinagdadausan ng mall tour. Bawat balkonahe’y tatlong-tao ang kapal ng crowd. Nagsilabasan ang mga cellphone at digicam para lamang makunan ang kanilang mga idolo.

Ang iba namang hindi makakuha ng magandang view ay sumasampa sa escalator at tinitignan ang naka-PINK na si Piolo at naka-BLUE na si Angel na nagpapapiktyur sa piling-piling mga fans (TFC subscribers siguro). Pag-akyat ng mga mokong sa itaas na palapag ay iikot para bumaba ng escalator.

Ngayon, sabihin niyo sa akin: Sosyal ba kamo ang TriNoma?

Kinuwento ko sa aking sister ang nangyaring kaguluhan at heto lang ang kanyang nasabi.

“Ano ba nasa likod ng TriNoma?”

About these ads

Actions

Information

One response

28 10 2010
Orly

anong nasa likod ng Trinoma? Squatter.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: