(Basahin ang Part 7 dito.)
Napuno ng tensyon ang party. Natahimik ang lahat, ang iba nama’y nagtataka kung sino ang lalakeng nasa gate na nag-aanyaya sa Jonred na makausap nang silang dalawa lamang.
“Yikeee,” nagsimula namang manukso ang mga dating kaklase ng dalawa. Pinatahimik sila ni Mylene. “Seryoso ito,” sabi niya. Nakatingin lang kay Ronnie si Jonred, walang kaimik-imik. Nasa likuran niya ang kanyang si Mang Berto, handang protektahan ang kanyang anak.
“Huwag mo na munang kausapin, Karina,” sabi ni Mylene. “Lasing ang tao, baka mapaano ka.”
Huminga nang malalim si Jonred, ipinikit ang kanyang mga mata’t tinignan muli si Ronnie.
“Sasama ako.”
“Pero Jon,” sinubukang pigilan ni Mang Berto ang anak.
“Ayoko lang magkagulo,” sagot ni Jonred. “Marami rin akong gustong ipaliwanag sa kanya.”
Dahan-dahan siyang lumapit patungo sa gate kung saang naroon ang kanyang kababatang nakasalamuha niya sa bus paluwas ng Santa Praxedes. Nais niyang ipaliwanag na ang kanyang itinuturing na matalik na kaibigan ay nagbago na ng anyo. Na si Jonred noon ay isa na ngayong nilalang na kinamumuhian ni Ronnie. Sa kasamaang palad, hindi niya ito inamin kaagad.
“Tara,” sabi ni Ronnie kay Jonred sabay lumakad palayo. Naging sunud-sunuran naman si Jonred habang naglalakad sa likuran ng kanyang kababata. Nagtungo sila sa tabi ng isang maliit na kapilya di-malayo mula sa pinangyayarihan ng party.
Read the rest of this entry »
WORDS FOR MARUJA