Gay Word of the Week: Ok-ok

17 03 2008

Nanganganib na uri kung maituturing si Jonathan. Bibihira na kasi ang mga bakla na tumatambay sa parlor dahil ang mga kaedad na katulad niya’y mas abala sa pagtatago ng kanilang mga pilantik at kembot.

“At mabuti naman at hindi ka natulad sa kanila,” ani Mama Tee minsan, Teodoro sa tunay na buhay, ang pinakamatandang manggugupit sa parlor. “Ang pangit naman tignan kung bakla ka na nga maghahanap ka pa ng kapwa bakla. Aba! Doon ka na lang sa mga tunay na lalake, ‘yung mga barako, ‘yung mga hindi nahihiyang lamutakin ang suso mo’t ituring kang babae sa kama.”

Pero hindi pa pupuwedeng makipagsiping sa lalake si Jonathan. Dose anyos pa lang siya kasi. Kinabukasan, magiging dalaga siya.

Punung-puno ang parlor nang dumating si Jonathan noong araw na iyon. Bawat isa sa apat na manggugupit ay may inaabalang kliyente, kaya napaupo siya muna sa mahabang bangko nito’t nagbasa ng magasin. Magdadalawang linggo na niya itong ginagawa.

Napansin siya ni Lota, Lawrence sa tunay na buhay, ang may pinakamagandang katawan sa parlor. Dati siya kasing mananayaw sa Japan. Tumakas kasama ang kanyang kasintahan dahil nagkaroon ng malaking utang ang lalake mula sa mga Yakuza. May negosyo ngayon na bar si Ichiro, na nasa tabi ng parlor.

“Jonathan,” sigaw ni Lota habang ginagamitan ng blowdryer ang matandang kliyente. “Bakit ka naman hindi bumabati sa mga Tita mo?”

Basahin ang karugtong nitong lahok »





Busy-Busyhan

17 03 2008

Pasensya na mga Mare kung wala akong na-post noong Linggo.  No, wiz aketchibelles bumoda.  Nasa balay lang akets buong araw dahil mas kinarir ko itechi…

I’m telling you, paminsan-minsan talaga nagiging geekiness ang lolabelles.