Kakaunti pa lamang ang mga tao sa loob ng mall kahit tanghali na, kung kaya’t mapakalamig ng lugar pagpasok ni Edwin. Kahit na napalawak ng lugar dahil halos walang tao, sagana naman ito sa mga hinahanap niya. Pagdating sa pinakatuktok na palapag, kung saan matatagpuan ang mga mumurahin arcade at maiingay na videoke machine, naroon ang napakaraming Bakal Boys na tila may mga hinihintay.
Nilibot ni Edwin ang palapag na iyon, tila may hinahanap. Imbes na sa mga bintana ng mga tindahan tumitig, diretso lang ang kanyang tingin ngunit sa kabilang dako nakapukaw ang kanyang atensyon. Mabuti na ang hindi mahalataan ng guwardiya. Sa gilid ng kanyang paningin, nakikilatis niya ang bawat isang Bakal Boy.
Iba’t iba ang estilo sa pagbusisi sa kanila. May ilang binabase sa kanilang suot, ang iba nama’y nahahalina sa kanilang pangangatawan, at may mangilan-ngilan na katulad ni Edwin na pinagbabatayan lang ang pagkilatis sa isang malaritwal na sitwasyon: Kailangang magkatitigan muna silang dalawa, ngingiti ang bakla, at kapag ngumiti pabalik ang lalake lalapit ang bakla na tila ba nakasalubong ng kaklase mula hayskul na matagal nang hindi niya nakikita.
Ganito ang mismong nangyari kay Edwin habang kinukuwento ito.































WORDS FOR MARUJA