
Ilang linggo ko nang pinag-isipan kung gagawin ko ba o hindi, hanggang sa napagdesisyunan ko na dapat nang mangyari ang dapat. Kung ikabubuti ba sa akin, eh di go.
Umalis ako noong Martes ng tanghali at bumalik ng bahay nang bandang hapon na may kakaiba sa akin. Nagulat ang bunso, “Dali! Pakita mo ‘yan kay Daddy!”
Hiyang-hiya man, nagtungo ako sa kuwarto ni Daddy na nagpapahinga. Pilit kong takpan ang nagbago sa akin, pero nahalata pa rin ng Pujay.
“O, ano’ng nangyari sa ‘yo,” tanong niya.
“Wala lang,” say ko.
Ano nga ba ang nangyari kay Empress Maruja?
a) Bagong Tule
b) Bagong Gupit o
c) Bagong Tabas ng Ilong?
Pikit muna bago mag-jump, baka ikagulat niyo…































WORDS FOR MARUJA