Good evening ladies and gentlemen. This is Raymond Gutierrez, and welcome to the conclusion of Miss Wika 2007 Blog Writing Competition!
(applause)
In a few minutes from now, we shall be announcing who among our lovely 56 candidates vying for the title will bring home our fabulous prizes, including one-year supply of free domains and web hosting and a whopping cash prize of P5,000.
(applause)
But the competition is not over yet. Our 56 contestants will be given a last chance of impressing the judges with their colorful entries through this wonderful haute couture presentation!
Starting off with Candidate number 1…
…May we now call on Candidate number 22, Miss Empress Maruja and her entry “Ang Pagladlad ng Kapa“, representing Burning Red Filipino Gay Lingo.

“Grabeh! Ang bongga ng entrance ko ever! Talbog lahat ng bilat!”
Empress Maruja is a 26-year-old stunner hailing from the city of hopes and dreams, Quezon City. She is a Communication Arts graduate of the University of Santo Tomas.

“Tabi diyan, mga bruha! Ako ang eeksena!”
Marj, as her friends like to call her, claims that she stands 5′ 11″ and weighs 110 pounds. Her hobbies include Para Para dancing, admiring Simon Atkins, and PEDROS.

“O, kaya niyo ba ‘yan?”

Once again, that’s Candidate number 22, Empress Maruja!
“Kapag natalo ako dito, iiyak ako ng dugo.”
Our next candidate…
There you have it, the 56 lovely ladies of Miss Wika 2007!
(applause)
I now hold the results! The judges have decided which among these gorgeous entries will be crowned Miss Wika 2007. We shall announce first our two special awards, starting of with DARLING OF THE CROWD (Participant’s Choice).
She is none other than…
“Naku kahit itets man lang…”
Candidate number 47, Miss Marocharim and her entry “Pista ng Wikang Filipino/The Spectacle of the Filipino Language“!

“Nagiging palaisipan sa akin kung bakit ‘pobre’ at ‘masa’ ang pagtingin sa wikang Filipino, at kung bakit sa tuwing sasapit ang Buwan ng Wika ay nagmimistulang may pista sa mga paaralan na kung saan talagang ‘ipinagdiriwang’ ito. Kung di man nakakatawa ay nakakabahala ang “pagdiwang” sa wika at kultura: hindi ito tumitigil sa tagubiling ituro ang mga klase sa wikang Filipino, kundi sa pagsusuot na rin tuwing Biyernes ng mga pambansang kasuotan tulad ng barong Tagalog at patadyong. At pagkatapos ng pistang ito ay babalik muli tayo sa kulturang kolonyal: sa kulturang hindi atin, sa wikang hindi sariling atin.”
(applause)
Thank you, Miss Marocharim, for that stirring acceptance speech. You may now accept your sash and trophy.
“Uy, sana marinig naman ng madla ang acceptance speech kets…”
Up next is the MISS BLOGGER-GENIC AWARD (Misteryosa Award), where our candidates are screened through the scrutiny of our top blogger, Misteryosa. And the award goes to…
Wait, we have a tie! They are…
“Sana isa diyan si watashi…”
Candidate number 46, Ms. Frances Paola G. Doplon and her entry “‘THE’ Filipino Language: WHAT THE HECK DOES THIS MEAN???“

“Pagdating sa wika para tayong halo-halo. Maraming recado: yung iba mas malaki, yung iba mas kaunti. Pwede natin ihambing ang Wikang Pambansa sa gatas. Ngunit bawat isang sangkap sa halo halo ay importante. Lahat sila ay bumubuo sa iisang lasa ng paborito nating halo-halo. Mmm, ang sarap!”
And Candidate number 23, Miss Ayel and her entry “A Language We All Need to Learn“

“A country with a gift of tongues—and with a national language already in place–why does the Philippines continue to drift further down the list of progressive nations? Maybe, the language we need is more than just verbal—something, which would prod us to do worthy things other than merely talking.”
(applause)
Congratulations to our twin winners of Miss Blogger-genic!
“Naku, baka Top 3 akets! Palpitate, palpitate…”
Now is the moment where I shall be announcing our Top 3 Titlists for Miss Wika 2007. Let’s start with our SECOND RUNNER-UP. She is…
Candidate number 45, Miss Feddie Marc S. Perez and her entry “Ang Obra.”

“Pinangarap ni Manuel Quezon na tayo ay mabuklod sa iisang wika. Pero bagaman tayo ay binubuklod ng wikang Filipino, pinatatatag naman tayo ng ating iba’t ibang wika. Dahil pinapakita nito ang ating kultura na pinamana ng ating mga ninuno. Kultura na siyang ating pagkakakilanlan. Iba-iba man ang ating mga wika, habang kinikilala natin na tayong lahat ay mga Pilipino, tumatatag ang ating bansa. Dahil kung maipagmamalaki natin ang ating pinanggalingan, taas-noo nating tutunguhin ang kinabukasan.”
Congratulations, Miss Feddie! Next in line is our FIRST RUNNER-UP. Remember, ladies, that the role of first runner-up is vital in every pageant. In any way our Miss Wika 2007 will not be able to perform her duties as the winner, the first runner-up will take her place.
Our first runner-up is…
“Twenitootwenitootwenitootwenitoo…”
Candidate number 12, Miss Ynon and her entry “Naykupu!“

“Marahil, kung kailangan ng Pilipinas ang isang matatag na bansa, dapat ay patatagin nito ang kanyang mamamayan sa pamamagitan ng pagbibigay halaga sa mga wikang kinagisnan, pambansa at pandaigdig. Hindi dapat ang pagpapahalaga ay sa iisang wika lamang na nagdudulot ng impresyon na supremasya ng nasasabing wika laban sa iba. Sa panahon ngayon, kailangan ang wika para mapagdugtong-dugtong ang iba’t ibang kultura sa mundo.”
(applause)
The excitement brews as we are about to declare this year’s Miss Wika! But before that, we shall pause for a very entertaining intermission number…

“Potek! May production number pa? Shungawit tumayo forever huh!”
Ladies and gentlemen, from the pride of Pinoy Sangkabadinggaan, the Amazing Philippine Theater, please put your hands together for Misster Nico De Nicola!
(applause)
(applause)
Thank you very much, Misster Nicola, for that amazing performance! I’m sure you guys are just as excited to know who is going to be Miss Wika 2007. Are you ready?
YEAH!
Andami ko pang babasahing blogs!
Gutom na Neopets ko!
Alas-dose na huy!
May booking pa ako noh!
All right, all right…Without further ado, the blogger who will wear the crown proudly as Miss Wika 2007 is…
“Happy thoughts, Maruja…Happy thoughts…”
Candidate number 14! Miss Ding Fuellos and her entry “Tungo sa Pagbabanyuhay“!

“Oh my God! I did not expect this!
“Ang iba’t-ibang kultura, kaisipan, kaugalian, kaalaman at adhikain ay magsisilbing isla sa malawak na karagatan kung hindi ito mauunawaan ng bawat Pilipino. Sa pagpapaunlad ng pamayanan, hindi maaring may maiwang pamayanan. Hindi maaring ang iilang tao lamang o siyudad gaya ng Metro Manila, Cebu o Davao ang maaaring umunlad upang masabi nating bumabangon na sa pagkakasadlak ang Pilipinas. Kailangan, ang bawat pamayanan ay may kapayapaan at angking likas-kayang pag-unlad (sustainable development) na dulot ng kanilang pagkakaisa at pagsisikap. Hindi man sa panahon ngayon mangyayari ang ating inaasam na ginhawa. Subali’t mangyayari ito kung lubos nating bibigyang pansin ang ating pagkakaunawaan gamit ang patuloy na pakikipagtalastasan—sa kabila ng pagkakaiba ng ating mga wika. At sa tamang panahon, tayo ay mabubuklod gayundin ang ating pangarap at layunin. At kung and bawat isa ay kikilos nang mapayapa at tatahak sa iisang daan, insha’Allah! (God Willing), masisimulan nating gumising sa magandang kinabukasan.”

Congratulations to Miss Ding Fuellos, our new Miss Wika! To those who did not make it, Thank You Ladies…

“Huhuhu…Loss Valdez ang byutiki kets…
“Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa mga organizer ng Miss Wika 2007. Napakasayang magsulat habang buong ipinagmamalaki ang magandang mga wika ng Pilipinas. Salamat din sa aking mga kapwa kandidata dahil napakasaya ng ating samahan.
“Lubos akong nagpapasalamat sa lahat ng mga magagandang Kumareng nagpahayag ng kanilang suporta sa aking pagsali. Sa mga nag-iwan ng mga positibong komento’t mga nagboto, salamat nang marami. Sa mundo ito, wala nang ibang tutulong sa atin kundi tayo-tayo ring mga bakla.
“Maraming salamat sa aking pamilya dahil sa kanilang lubusang pagmamahal. Naaalala ko kung papaano niyo ako ipinagtatanggol mula sa mga kumikilatis sa sinasabi nilang ‘kahinaan’ ko. Lagi ninyong sinasabing kahit isa lang akong hamak na bakla’y lubos niyo akong ipinagmamalaki.
“I would like to thank Mama Tanya Mendoza for my hair and make-up, Dior for my couture gown, Doctors Manny and Pie Calayan…”
Uhm, miss… Wala nang tao.
“Ah okey. Heto nga pala ang mic.”































[...] Basa pa, Mare! [...]
quebs na te. ganyan talaga ang buhay. pero sa post na to pa lang panalo ka na sa akin
Hahaha! Empress Maruja, the best ka talaga! Panalo!
ang taray ng hitsura ko. haha.
LOL! Kamukha mo si Diane Pernet! LOL! Taas ng Hair!
[...] Miss Wika 2007 Grand Coronation Night « They Call Me Maruja: A Colorful Life at Random [...]
[...] Miss Wika 2007 Grand Coronation Night « They Call Me Maruja: A Colorful Life at Random [...]
[...] Miss Wika 2007 Grand Coronation Night « They Call Me Maruja: A Colorful Life at Random [...]
Ilang excerpts pa lang, parang mga peninsulares ang mga nagjudge. So purist. Nakakainez.
Pero tama si Mandy. Didma. Bungga ka day. Ikaw ang winner sa mga watashae!
@ Mandaya Moore and Kiks – Salamat, mga Mare! Actually, natatawa nga akets habang sinusulat ang entry na itet. Iniisip ko na lang na siguro hindi siniseryoso ang mga bakla sa Pinas.
A very creative way of dealing with disappointments. Write for your own joy, that’s the spirit! And when others also find some kind of happiness reading your thoughts, isn’t that a big reward, too? Cheers, Emperatriz Maru!!!
ok talaga si empress maruja
… wahahahahha….
.. gwRabueh uh!!
.. xOoper biGay mga cHikabeboTs,,
..ahehe.. inFairness..
.. impressive aNg mga
desiGns.. fanTastic!!
.. weEhh… luv it^^