You Can’t Make Maruja Go to the Gym
May mga nagtatanong sa akets: Maruja, kung gusto mong pumayat, vahket wiz mo try ang gym?
Ang sagot kets: Naku, ayoko sa gym, noh?!
For some reason, may phobia/ alinlangan akets sa mga gym-gym na ‘yan. Minsan na aksi akets nagpunta sa isang local gym. Dahil bago akets, pina-try sa akin ng nag-iisang instructor ang kung anek-anek: threadmill, mga weights, nag-TimeWorks pa akets. All the while masyado siyang bisi-busyhan sa pag-instruct sa mga gerlets na clients at magpasikatan ng biceps sa mga barkada.
Kalagitnaan ng session, nagpunas akets ng pawis sa pisngi at ang koda pa naman ng instructor: “Pawis ba ‘yan o luha?”
Ay puta ka, sey ko na lang sa sarili. Akala mo porke makyubis basta-basta lang akets bibigay sa simpleng pagbuhat at pagtakbo? Leche ka!
Dahil diyan, nawala na rin ang interes kets sa mga gym-gym na ‘yan. Hindi rin naman professional ang mga gym ditets, puro susyalan lang ang mga utaw, puro may-I-compare-notes sa locker room, pasikatan sa muscles, etc. etc.
Kaya aneki na lang ang ginagawa ng nag-iisa at d’ original na Maruja? Aside sa pagsayaw ng Para Para, nagbalik sa Yoga at Pilates ang bakla. Ginagawa ko itets sa balaysung at in fairness tumatalab naman. Effective siya sa abs kahit hindi akets nagsi-situps, dumadami ang stretch marks sa hita kets, at nawawala ang kubaney kets.
At balang araw, magiging kasing fayatola at kasing flexibile ako nitetchi…
**********
The Mob Wins
Wiz akets manhid. Knows ni Maruja ang tungkol kay Malu Fernandez at ang kanyang mapanglait na article. Hindi ko lang sinulat ditets dahil marami rin naman nagba-blog tungkol sa kanya. Baka sabihin ng iba diyan nakikiuso lang akets. Chaka devah?
Visayds, I believe in freedom of expression, although naniniwala akets na mali ang article niya. Mali ang grammar, mali ang spelling, mali ang impression niya sa mga OFW, mali maging ang kanyang pag-iisip (kung ayaw niya sa beach, bakit mahilig siya sa Boracay, aber?).
At kalokah huh, ang daming nag-react. Mula sa mga mismong mga Pinoy sa abroad, maging mga blogger ditets, maging ang mga rikaluling mga Pinoy. “Malu versus The Mob” ang naging ganap, at hindi very nice ang reaction ng Mob huh!
Offensive man ang sinabi ni Malu, MAS offensive para sa akets ang lait ng Mob. Oo na, parang hindi naman obvious ang kashubisan ni Malu. Para namang hindi nakapanglait ng mga maliliit na utaw, mga maiitim, mga probinsyano, at mga “walang manners” ang mga nag-iwan ng mga violent reactions. Ika nga ni Goddess, “Hawaan niyo ako ng kalinisan niyo.”
Hindi ako naaawa kay Malu. She should have apologized right from the start (eh may-I-follow-up pa ang lola niyo with matching “kung nakapagbasa ba kayo ng mas makapal pa sa magasin ay mage-gets niyo ang humor sa article kets”). Hindi na nga niya ginalang ang isang sektor ng mga Pilipino, hindi ibig sabihin na pati tayo’y mag-aasal walang-galang din.
Sa kaso ng “Malu versus the Mob,” nanalo ang Mob, pero hindi ibig sabihin na mas tama sila.
**********
Ang Jersey, Bow!
May nag-offer kay watashi ng autographed jersey ni Simon Atkins sa tumataginting na halagang P1500.
At first excited akets. I like collecting autographs, but not from celebrities. May mga pirma kets nina Rickey Lee (sa organizer), Chris Tiu (sa isang pamphlet), at DJ Kimberly S (sa isang production ID).
And imagine na lang mga dingga, hindi raw itech nilabhan. Uy! Pati kayo gustong makiamoy!
Kaya lang napag-isip ketch: Aning gagawin ko ditets? Aamuyin lang to death? Ilalagay sa frame? Gagawing banner? Ipapatong sa akin na kunwari nakapatong sa akin si Bhe (Bhe talaga!)?
Baka malokah lang ang mga utaw sa balay kapag nasaylalu nila itets. Kaya I passed.
Baka kayo interested?
**********
Pagtanda ni Maruja
Nakikinita ko na kung anek akets several years from now.
Landi! Ang landi!































[...] Basa pa, Mare! [...]
ang taray ni lola pia!!!
kang malu, keebs ko sa kaniya. magpakasasa siya sa kaniyang riches, at the end of the day, ang mukha’t katawan niya.. erm… sino ba siya? lolz
mga friends ko anak pulitiko pero hindi umaasta ng tulad niya. buti naman tanggal na siya sa trabaho.. buti sa kaniya hehehe
good luck sa wika, empress, and good luck din sa pagpapayat!
Ay ako rin, parang wiz ko rin type mag-gym ateh. Tatry ko dapat mag-yoga-yogahan dyan sa may Ortigas kaso ang mahal naman… wiz kaya ng corporate slave like moi.
Sabi nila, nakakapayat daw ang anu… e pano naman yan, wala akey juwawis today, hahaha. Nakakapayat daw makipagsampalan pag mega-away kayo ng juwwis mes. Hay.
Good luck sa ating pagpapayat!
Pia Moran is still Pia Moran.. para lang siyang si “Ellen (facial queen) of the Dance floor!”
bumalik ako sa pagwo-workout, pero tigil muna uli dahil na-strain ang biceps ko. Ang sakit, two weeks pa ata bago makarecover.
Nwei, si Q baka interested sa jersey ni Atkins.
gyms are also known as gay churches so if you’re that desperate for a hook-up, sign up.
pero di ba, lumiliit ang ichura ng etits pag sobrang buff? so ikaw, malaking katawan pero maliit na ano o vice versa? pick.
my new site:
http://holdencaulfieldisms.wordpress.com/
see you.
Ü
[...] Read more about this topic from the author here. [...]