Maruja Sunday Specials #6

5 08 2007

Pick-Up

I swear, Svelte! Nangyari itets!

Unang Lunes na wala sa office ang aking palagiang breaktime kachika na si Svelte. Nagbalik siya sa kanyang unang mahal: ang pagtulong sa mahihirap. Isama pa ang aming girl officemate na nalipat sa dayshift. Kaya ang Empress, mag-isa na namang lumaps for breaktime.

Lumabas akets ng office building namin para bumaysung na lafang sa convenience store na dalawang kanto ang layo. Mag-isa.

Pabalik na kets sa office, bitbit ang aking supplies para sa office pantry lumaps, nag may napansin akong isang puting SUV na mabagal ang takbo. Pumarada ito sa kabilang sidewalk at binaba ang bintana.

“Hi,” may bumati sa akin.

Tumungin ako’t nakatingin sa akin ang driver. Mukhang siyang binata, mestiso-chinito ang kaguwapuhan, at semi-kalbo pa. Binati niya uli ako.

“Hello,” sagot ko naman, patuloy pa rin sa paglalakad. Sinusundan naman ako ng driver ng SUV, nakangiti sa akin.

“Straight ka,” tanong niya. Tumingin uli ako sa kanya’t umiling.

“No,” sagot ko.

“Gusto mo,” tanong niya bigla. Kunwari hindi ako nagulat, napaisip ako sandali.

Ngumiti ako sa kanya’t sinabing, “Sorry, may office pa ako eh.”

Nagpatuloy ako sa paglalakad, kumekembot nang bahagya ang aking mga balakang sa saliw ng awitin ni Chona Cruz.

“I am a working girl/

I am a working girl/

Work so hard to earn me some money…”

Narinig ko na lang na hinatak ng driver ang handbrake ng kanyang mamahaling sasakyan.

Oo, nakakatukso. Guwapo ang lalake’t siguro’y gusto lang niyang magpalipag ng libog. Kaya lang, hindi rin ako nakakasiguro sa kanya. Malay ko ba kung ano ang tunay niyang balak? Malay ba nating kung kinabukasan ay matatagpuan na lang ang byuti ko sa ilog ng Marikina sa piling ng mga naglalakihang janitor fish?

Pagkaakyat sa office ay huminga na lang ako nang malalim.

“Ang oportunidad, Maruja…ang oportunidad,” sabi ko sa sarili.

Dumiretso ako sa CR. Mary Palmer ako bigla.

**********

Higher-Level Chikahan

Lumabas ang buong pamilya isang araw. Pumunta kami sa isang marangyang subdivision upang dalawin ang isa sa mga Ricang pinsan ni Pudra. Despedida ng kanyang bunsong dawter na lilipad muli patungong Amerika.

Pagkatapos naming makipagbeso-beso kina Tita Jill at sa kanyang mga anak, tumuloy kami sa house ng panganay. Simple lang ang handa, may lechon, salad, sopas, brown rice, fried chicken, at chap chae (pansit Korea).

Nakakatuwang kakuwentuhan si Tita Jill. Dahil na rin sa aming mga links sa showbiz at sa alta de sociedad, higher level ang tsismisan. Sinu-sino ang mga nakikiapid, sino ang may utang kanino, sinong mga artista ang naghihirap ngayon sa Amerika’t janitor na lang ang trabaho. Mga hindi mo mababasa sa mga chipanggang tabloid.

At ang hindi mapigilang italak ni Tita Jill ang kanyang galit sa isang “showbiz mom.”

“Naku, kung paano na lang niya ibugaw ang kanyang anak…

“Ipapakita na lang niya sa akin ang mga tseke mula sa mga inuto nila, sabi niya ‘Tignan mo kung magkano kinita namin’…

“‘Yung mga kinita niya noong nagbebenta pa silang mag-asawa ng mga (chuva) sa Amerika, binubulsa niya…

“Minura ko nga si (anak ni Showbiz Mom) sa telepono. Sabi ko, (toot-toot eklavu) sabihin mo sa nanay mo magbayad ng utang…

“Kung magkuwento ‘yan, kung hindi sobra, mali-mali naman…”

Pero siyempre, pagdating sa kuwentuhan hindi padadaig ang Pujay. Narrate ever siya ng kanyang mga adventures sa Las Vegas kasama ni Mujay.

“Biro mo, araw-araw kaming nagha-honeymoon,” sey ni Dad.

Ngiwi na lang kaming mga junakis niya, parang nagsasabing “kailangan ba nating ikuwento ‘yan?”

“Kung hindi lang tali ang asawa ko, baka magkabunso uli kami,” hindi mapigilang ipagmalaki ni Pujay na may asim pa rin silang mag-asawa.

**********

Ang Pinakamahabang E-Mail Subject

Kuwento ng aking sister kagabi na nag-email ang aming Mujay, pero walang laman ang e-mail.

Paano naman daw kasi, lahat ng habilin ni Mama ay sinulat lahat sa SUBJECT.

**********

Empress Balita Loka

Nawiwindang akets kapag tinitignan ko ang mga stats ng aking showbiz blog na Empress Balita. Biruin mo, wala pang isang buwan ay umabot itets sa 10 subscribers, at ang mga readers ay karamihan nasa Amerika pa.

At ano ang pinakabinabasa nila doon ngayon? ang pagkatsugi ni Roxanne Guinoo sa Wowowee.

Pero feeling ko marami pa akong puwedeng magawa sa blog na itets. Kailangan ko rin ng tulong mula sa aking mga blog amiga kung ano ang sey nila tungkol sa aking baby.

Kaya kapag feel niyo, sight niyo rin ang Empress Balita.


Actions

Information

7 responses

5 08 2007
blue_harajuku

halu, empressita!! i also read your chika blog! nakakatuwa din naman gaya din dito. haaaay saan naman ako makahagilap ng lalakeng cute na naka SUV na ask saken ng isang maligayang sandali? pero ewan ko lang ha, baka nga hoholdapin ka nun sabay rape sabay tsugtsak na fugfak. sana rape na lang.. wid condoms ha?

5 08 2007
5 08 2007
Kiks

Hahahahahahahahahahahahahahaha ever (hingal) Hahahahahahahahahahahahahahaha (hingal) ever!

Nakakaloka ang mudra, nawili sa subject. Nakakabaliw ang pudra, talo si Datu Puti!
And mustuvall, ang Empress Maruja in her role as Gina Pajero in SUV Me Up!

6 08 2007
kissfendi

nako ha! may Pa deadma kapa sa lalakeng may SUV?
Nako sayang din yun!!
Sa susunod kuin mo ang number at ibigay sa akin kung ayaw mo! ;)

kiss
Fendi

6 08 2007
CareTaker

Dumiretso ako sa CR. Mary Palmer ako bigla. — Ano na lang ang gagawin ng mga bekbek kung wala si Mary P.
:P

6 08 2007
svelte

Bakit may magnet na nagaganap! hahaha. At bakit tayo ng rumampa ay walang moment na ganyan?

7 08 2007
Gregg D'Bully

My gulay! Bakit di ako pinaparahan ng SUV! Your Fabulousness, maglakad tayo minsan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Follow

Get every new post delivered to your Inbox.