Plateau
Nangyari ba sa inyo na kahit gustung-gusto mong mag-blog, wiz mo maisip kung aning isusulat mae?
Wells, nangyayari na ‘yan kay watashi simula noong mga nakaraang araw. May mga gusto akong i-blog, pero hindi ko magawa, parang may kulang.
Hay…nafiga na yata brain ketch.
Kaya naghanap ako ng kaunting diversion. No, hindi lalake.

Ito ang naging pinakadahilan kung bakit binuhay ko muli ang Empress Balita, ang aking tsismis con kalokohan blog.

Ito rin ang dahilan kung bakit naubos ang oras ko sa kakasulat para sa United SEA, kahit na feeling ko snobbish ang mga tagaroon kapag mababaw ang post mo.
Pero siyempre hindi ko iiwan ang aking pinaka-beloved na blog noh?! Kahit na sabihin ng iba diyan na isa lang itong “shallow” na blog. Che sila! Magkaka-diarrhea sila sa pinakaimportanteng araw ng buhay nila!
**********
Itago ang Ebidensya
Tuwing sinasamahan ko ang aking Pujay to do some errands sa labas, requirement na dapat may take-out kaming lafuk. Babaysung kami depende kung ilan ang nasa house. Kung nasa work o nasa school ang isa kong kapatid, hindi namin bibilhan. Baka mapanis lang pag-uwi, saka mahilig magtipid ang Pujay ng anda.
Kaya kapag nasa balaysung na’t tapos na ang paglalafung, laging may commandment ang Pujay:
“Itago ang ebidensiya.”
Itatapon namin ang mga lalagyan ng lafang malayo sa balay nang hindi masayla ng mga papauwing kapatid. Dahil once na nasayla ang mga bakas ng pinagkainan pag-uwi nila, tampuhan galore ang ganap.
“Bakit hindi niyo ako binilhan ng take-out,” tanong ng sisterette sa Pujay na nasa funang nang minsang umuwi nang maaga’t nasaylalu ang mga evidence.
Kalokah, kakain naman tayo later, sey ko na lang sa sarili. Babaysung aketch ng barbecue sa palengke. Take-out na rin ‘yun.
**********
Hindi Ko Hangad ang Insulto!
May nangyari noong nakaraang Linggo, hindi ako natuwa.
Nagplano akong magpa-refresh. Pumunta ako sa aking dating pangbookingan somewhere in Manila at naghanap ng (mga) lalakeng makakapiling. Sa aking paglilibot, nasayla ko ang isang mhin na dati ko nang nakabook.
Matagal din kaming nagkatinginan. Mukhang hindi yata ako nakilala, pero lumapit na rin ako’t nagbakasakaling malay natin may magaganap na mahika. At ‘yun na nga.
Nagkausap kami pagkatapos ng lahat. Hindi ako natuwa.
“Tumaba ka lalo, ah,” say ni mhinchu habang pisil ang aking Bill Blas sa waist.
“Ganoon na ba ako kalaki,” tanong ko.
“Oo naman,” sagot niya. “Mabuti sana kung payat ka para mas madali ang paghanap mo dito.”
At dito na nagsimula ang kanyang sunud-sunod na tirada.
“Hindi ka naman lalapitan kapag mataba ka eh. Mabuti nga’t magaling ka, pero malay ba nila sa unang tingin, di ba?…”
“Noong ngang nakita kita kanina, sabi ko ‘Wala na ‘to…”
Hanggang idamay na ang mga miyembro ng pamilya na para bang kilala niya.
“Siguro napag-iiwanan ka sa kusina. Sabihin mo kasi sa nanay mo na huwag magluto nang marami. Siguro lahat kayo sa pamilya matataba.”
Hanggang bumitaw na ng ultimate one-liner:
“Siguro hindi mo na makita titi mo habang nagsha-shower.”
Doon na ako nag-init. Kung hindi lang kami nasa alanganing lugar, malamang tinuhod ko na ang bayag niya.
Bagkus, naging bait-baitan ang lola mo. “Thank you for your sense of humor,” sabi ko sabay alis.
Tang ina ka, sabi ko na lang sa sarili. Ang hanap ko sex, hindi insulto.
**********
Pagbalik sa AA Kong Mahal

Noong Miyerkules, nagbalik-USTe aketch para mapanood ang Apprentice Showcase ng Artistang Artlets, at the same time para naman maki-update na rin sa aking minamahal na org.
Ito rin ang theater org nina Svelte, Indian Mermaid, at Himalayan Goddess na ngayo’y nagsisilbing mama-san ng org. Dito rin nagmula sina Isay Alvarez, Winnie Cordero, at maging si DJ China Heart ng WRR 101.9…alam mo na ‘yan!
Ang Apprentice Showcase ay isa sa mga pagsubok ng mga bagong sasali sa org pagkatapos ng matinding audition process. Ihahati sila sa mga grupo at gagawa sila ng sarili nilang play na siyempre gabay ng mga miyembro. Dito madalas magkalagasan, magkalaglagan, at mag-aayaw dahil hindi kinaya ang preyshur.
Napanood ko ang huling show na pinamagatang “Coffee Break,” na umiikot sa mga magkaka-office mates sa isang call center. Maganda ang script, nabonggahan akets dahil napaka-mature niya at winner ang mga pinaghugutan ng mga linya (not to mention na may tatlong characters na tivoli, buti na lang nakalusot ito sa “censors” noh?!).
Nakakapanghinayang lang dahil hindi masyadong nagampanan ng mga aktor ang tindi ng emosyon at tensyon na hinihingi ng script. Napaidlip talaga ketch, at hindi ako natutulog sa play o sa sine huh! Ang huling beses na nakatulog ako sa ganitong senaryo ay nang nanood aketch ng Harry Potter and the Sorceror’s Stone, ang rason kung bakit hinding-hindi ako nanonood ng Harry Potter movies ever. Graba…orlo mae ang kalahati ng grupo sa sobrang boring ng movie, as in nagising na lang ketch noong patapos na’t nagbabatian na kami ng “Good morning.”
Pero okray aside, masaya ako tuwing bumabalik sa AA. Parang binabalikan mo ang mga pinagdaanan mo at the same time namamangha sa kung papaano napapanatiling buhay ng mga kasalukuyang miyembro ang tradisyon ng teatro at ang mismong organisasyong nagbigay-kulay sa aking buhay-kolehiyo.
Kaya saludo ako sa kanila! Nawa’y manatili ang AA sa kanilang puso at isipan. Sana nga umabot pa ito ng 50 years para bungga devah?































[...] Basa pa, bakla! [...]
Ito ang isa sa pinaka may sense na nonsense na blog ngayon. just blog your ass off.
magkabuilding pala tayo empress. kaya lang taga-lupa ka. Ü
Got sick kaya di rin ako nakapag-blog! Hayyy!
Minsan ginagawa ko din yang evidence thingy na yan, lalo na pag nakalimutang bumili or kung plain damot mode lang. I cover up evidence pretty good. No CSI agent in the world will be able to unearth it! LOL!
“Siguro hindi mo na makita titi mo habang nagsha-shower.”
Hahahaha! Ano ba yun! Lakas mang-asar! LOL!
napakahirap naman yun… di ko ata kaya yun..
I guess this is my first ever comment on this blog although I have been checking “They Call Me Maruja” blog for some time now ( I thought this was a Spanish blog because “Maruja” is a famous name in Catalunya
Just like Oboid’s blog, it always gives me a headache to decipher what is written here, but I’m trying my best. I speak your language (considerably) but you change the words on your posts — that’s why I find your article on United SEA very helpful. Just so you’d know.
Shallow or no-shallow, the most important is keeping the energy to blog, at all cost.
I’m sure you would agree on me on that. And nobody has the right to say if OUR posts are shallow or not. It’s just a matter of taste if they find it interesting.
Since I got the chance to leave a message here; I guess I should ask you the question I have been asking Oboid (which he didn’t know either)… I am curious if you’re a boy or a girl.
hello there miss maruja!
nakakaaliw ang blog mo!
LOL! Mas mabuti pa ang call boy di ka i-insultuhin! Natawa ako sa comment ni Pisanu. Girlalu ba iketch? hahaha
acheng! tagal kong nawala! pagbalik ko me sarili ka na palang daily newspaper!
pero teka lang, kahit na itapon mo yong ebidensya nang nilafang nyo, di ba yong amoy nagkalat pa rin? dikdikin mo yong deodorant tapos initin mo, mawawala nyong amoy nang ebidensya.
hehehe nakakatuwa yong insulto comment mo! hahaha!
remind me nong brineyk ako nang aking fafa, go kami sa gay bar, me lumapit saken at may i ask kung nag-dedate daw ako, eh dahil mainit ang ulo ko – say ko – no i just wanna fk around!
amputa at literal na trinansleyt!
Shet…. ang Bill Blass palagi ang problema. Nangyari na rin sa kin yun Lola! Dont worry, determinasyon lang ang kailangan dyan. Kaya, start na tayo ‘day habang bata batuta pa tayo.
tara na at mag-exercise para matanggal ang mga bill blass.
I was wondering why you kept mum that time, Maruja. You received tirades not worthy of an empress. Why, Empress, WHYYYY?
Wewanongayon kung Bill Blass ka? A little tummy won’t hurt at all. In fact, some people find it sexy. I find it sexy.
Invierna Varga, ipakilala mo sa akin yang lalaking yan at ipalululon ko sa kanya lahat ng taba nya sa katawan!
@ Pat – Salamat naman, kahit medyo nawindang ketch…CHOS!
@ Kei – I hope magaling ka na.
@ Talamasca – Kakabuwisit devah? Kaka-sex niyo lang, may kalakip pang lait?
@ Raymond – Ano naman yung hindi mo kakayanin, Kuya? Puwede kitang tulungan…joke!
@ Pisanu – Babae po ako, babaeng may lawit. (TRANSLATION: I’m not a girl, not even a woman.)
@ Rad – Salamat naman, Mare. Dalaw ka pa uli!
@ JRothschild – In ferrness huh, kahit nakakaloka kung manghuthot ang mga kulbam wai kang maririnig na lait.
@ Reyna Elena – Huwag kang mag-alala, nakabukas ang mga bintana namin lagi kaya pati ang amoy ng lafuk wa.
@ Lyka – Oo nga, Mare, gusto ko rin sanang i-revive ang aking Yoga chuchu.
@ Mandaya Moore – Basta ba may dalang kaibigan si Kulot eh!
@ Kiks – Mare, naisip ko rin ‘yan, kaya lang wala ako sa teritoryo ketch. Kung jinombag ko ang mhin baka lumala lang devah? Hayaan mo, ipinasa-Diyos ko na lang ang lahat (Mama Mary, ikaw ba ‘yan?).
@kamahalang maru – hindi ko kinakaya yung mga nakikita kong pictures. hehe, dapat siguro mag trabaho na lang ako sa bahay para hindi ako expose masyado sa mga sinu surf ko. ^_^
kung ako yun, sasampalin ko ang lalaking yun.. sasampalin ko ng pera.. tignan ko lang kung manlait pa siya.. at pag-inalok kang ibooking siya, TANGGIHAN mo!
mama san talaga ah.. hahaha.. btw, best scriptwriter ang tiburciang writer ng Coffee Break!