Nag-tour of America ang Pujay kung kaya’t inihabilin niya sa amin ang lahat-lahat. Ang mga bills na babayaran, ang mga gripong kukumpunihin, ang mga pagkain sa mga aso’t isda’t lovebirds, ang mga lalake ni Maruja na bibigyan ng P50 kada putok (JOKE!).
Pero paano naman maaasikaso ng mga naiwan sa balay ang mga bagay-bagay kung ang primerang gamit ay wala. Delayed ang suweldo ni Papa.
In short, wala kaming pera. Magtitiis ang mga kapatid ko sa kanilang kakarampot na bank account habang ako naman ay maghihintay ng 48 years bago magkasuweldo. At dahil ako ang pinakahikahos sa lahat, umutang pa ang lola mo sa mga kapatid para lang may pang-commute sa office.
Kapag maliit lang ang kaperahan ng Maruja, nagagawan ko ng paraan ang makatipid. Halimbawa mga gift certificate at discount card ang ginagamit ko pang-breaktime. Imbes na sumakay sa mas mabilis pero mas mahal na FX papuntang work ay tiis-ganda ako sa kakahintay ng MRT na hindi lalagpas para gumarahe.
Pero ang pagiging kuripot na itey nawawala kapag may anda na. Waldas kung waldas sa kung saan mang shalahang restaurant o watch ever ng sine, na para bang katapusan na ng mundo bukas. Pero paggising ko kinabukas, buhay pa rin ang mundo…wala nga lang pera.
Naku, huwag niyo na pong ituro sa akin ang konsepto ng pagsasantabi ng pera. Ginawa ko na ‘yan noong bata at lagi na lang kinukupit ng kuya kong tamad. Nagsasantabi rin ako ngayon ng pera, peo tuwing suweldo ko hihingi ng Pujay ng kaltas sa suweldo ko para makapag-swimming siya sa madjungan. Ako naman bilang mabuting anak, gibsung naman.
At kahit nasa malayo ang Papa, gibsung pa rin ketch ng pera para pang-uniporme ng bunso’t baon niya sa college. Diyan hindi ako nagrereklamo, problema lang ay nang binigyan ko siya, wala na halos natira para sa akin.
Balik na naman ako sa wala. I’m sure kapag *tok tok tok* may kyumutok sa aking adik *tok tok tok* at humihingi ng pera *tok tok tok*, sasabihin ko na lang sa kanya: Wala akong pera…heto, balut na lang!































Isa kang ulirang anak at kapatid!
So… uhm… go you!
Walang budget, walang mhintok! Balut ang kakalabasan ng itlog. Ching!
ok lang yan maruja. unfair naman kung lagi ka na lang may pera. dapat minsan wala, minsan meron. yon ang fair.
pahingi balut….
Tama si Mandayamoor.
Para fair naman. Wla ka rin minsan.
okay lang yung basta may Papa lagi.
kiss
Fendi
Naalala ko tuloy yung sabi ni Progay sa PEx dati:
Mahalaga ang bakla sa pamilyang pilipino. Hehe.
tara teh. samahan na kita manglimos…dala ka ng costume ha
hehehehe, tanong ko lng kng ano yung dialect mo?bisaya kba or hiligaynon?..
@ leiryll – I’m all-around Tagalog, Mare.