Inuman with Pujay (Part 1)

14 05 2007

Nagsimula ang lahat ng ito sa isang walang kakwenta-kwentang roadtrip.

Naghanda ang buong Familia Imperial–ang Pujay, ang sisterette, ang younger brother, at siyempre ang maganda–noong nakaraang Linggo para dalawin ang isang amiga ni Mujay na kakabalik lang sa ating kawntree. Utos kasi ng Mama para naman daw ma-knows namin kung sinechiwa itekla.

Andaming abala ang naganap huh! Una, nag-renta kami ng Mitsubishi Adventure dahil wiz kakayanin ng mga karu namin (isang Volkswagen Thing at isang Kia Pride na may fog effect sa tagiliran tuwing pinapaandar). Dumaan pa kami ng SM North EDSA para bumaysung ng Mary Grace Cheese Rolls at Brownies bilang regalo.

Bumiyahe ang karu mula Keyzon City hanggang Bacoor, Cavite, at hindi naman halos alam kung paano makakarating sa balay ng amiga. Pinahiram ng aming driver for rent ang kanyang mapa at akong ang naging designated navigator. Amazing Race tuloy ang drama.

At pagpunta namin sa balay, ano’ng masisilayan namin? Wala.

Wala ang amiga dahil nag-text kay Pujay nang malapit na kami sa kanila. Nag-Duty Free daw sila ng kanyang junakis. Tinuloy na rin namin ang pagbiyahe para naman hindi masayang ang pagpunta namin sa kanila noh! Buti na lang at nagpaiwan sa balay ang mister ng amiga. Sa kanya namin ginibsung ang mga regalong pagkain. Pagkatapos ng ilang minutong chika, inom ng softdrinks, at paggamit sa banyo, nagpaalam na kami.

On the way home, nagtanong ang Pujay kung saan kami lalafang. Ako naman, bilang pinakamaluhong junakis, wishing ko sa Mall of Asia na kami o kaya maghanap ng mamahaling Japanese restaurant. Ayaw ni Papa, ingat daw muna sa gastos. Nag-suggest siya na mag-Jollibee kami na inayawan naming magkakapatid. Ano kami? Mga bulilit?

Hanggang sa maisipan ni Pujay ang isang bright idea. Tumawag siya sa kanyang kumpare, ihanda raw ang kubo.

Oh no. Sa “Carwash” kami kakain. Nagsimangot ang mukha ketch pero hindi ko na rin tinagal dahil ayokong mag-away kami ng Papa.

Malapit lang sa balay ang Carwash. Maliit lang siya na lugar, may bar and restaurant sa loob, may videoke, kubo at carwash sa labas. At hindi itech basta-bastang carwash na de-hose, as in Made in Japan ang drama, as in ipaparada mo ang karu sa parang arko at itey mismo ang gagalaw para hugasan ang kotse. Parang ‘yung nasa feecture.

Say ni Pujay sa kumpare na magpaluto ng pancit in advance, parapagjonta namin sa Carwash ay makalafang kami.

Ilang sandali pa’y nag-ring ang cellphone ni Pudra. Akala niya callback ng kumpare, kaya ang opening line:

“Nakalimutan ko nga pala diyan ‘yung tuwalya ko.”

Nagtaka ang tao sa kabilang linya, “Ano’ng tuwalya?”

Patay, si Mudra pala. Lagot ang Papa, kuntodo explanation sa nagseselos/ napaparanoid na jowa. Kaming mga anak niya’y hindi nakatulong.

“Lagot ka,” sey ng sisterette.

“Ayan kasi, masyadong assuming,” sey ketch sa Pujay.

Naayos rin ang lahat, pero knowing Mudra, hindi mawawala ang isyu about the missing tuwalya.

Makalipas ng apat na oras ng walang kakwenta-kwentang road trip, nakarating kami sa party place to be.

(Itutuloy)


Actions

Information

6 responses

14 05 2007
15 05 2007
reyna elena

kakainis! hmptt! bitin na naman! lahat nang binabasa ko bitin! prehas yong ki filli! ako yong nag-oorgaszmic effect nung i love you nya!

maloka loka akong isipin at ipicturaka sa utak ko yong Kia Pride na merong fog effect sa tagiliran pag pinapatakbo! ha ha ha! sigurado ka bang kotse yon?

lam mo, kung ako senyo, binitbit ko uli yong pasalubong kong pagkain at yon na lang ang nilamon ko on the road, di ba?!

and talking about car wash – actually ganyan ang carwash here samin sa Philly. pero mas gusto ko yong car wash sa Ever dyan sa Sta. Lucia sa tabi nang Condo, he he he, know why? kasi na-chi-chika yong nag-ho-hose! at nachika ko yong nag-hose nang kotse ko! Weeeeee!!!!

15 05 2007
jase

ha!ha!ha!

lagot ang Pujay mo!!! Ang nawawalng twalya :)

16 05 2007
Fendi

Hello Empressa. Who’s that beer lady who got pollinated by a beerwhawr?

You maybe need this to your photo post to have margin. You can open HTML and insert this in the photo :
style=”margin-right: 10px;” align=”left”

Kiss
Fendi

20 05 2007
Inuman with Pujay (Part 2) « They Call Me Maruja: A Colorful Life at Random

[...] 17th, 2007 · No Comments Basahin muna ang Part 1 para maka-relate, mga [...]

20 05 2007

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Follow

Get every new post delivered to your Inbox.