Go, Danton Remoto, Go!

11 05 2007

Unang edisyon ng “T-Bak ni Maruja.” Talakayang Bakla, mga amiga!

Malapit na ang eleksyon at kahit hindi ako taga-distrito 3 ng Quezon City ay all-out ang suporta ni Maruja kay Danton Remoto, co-founder ng Ang Ladlad Partylist na nilaglag ng Comelec kamakailan.

(Ayon kay Comelec Chairman Benjamin Abalos sa isang interview, walang raw lugar ang mga bakla sa Kongreso. Tingining niya!)

Kahit hinatulan ng Comelec na hindi raw “marginalized” at “under-represented” ang sangkabadinggaan sa Pilipinas, kahit na tinanggihan ang alok mula sa ilang empleyado ng mismo Comelec na ipa-accredit ang Ladlad Partylist sa tumatagingting na halaga, pursigido pa rin si Tita Danton na pasukin ang nakakalowkang mundo ng pulitika.

At bakit naman hindi? Mayroon siyang talino at pagmamalasakit na maglingkod. Sa interview niya sa The Manila Times ay tumbok na tumbok niya ang tunay na problema ng kanyang distrito.

“There are health centers, but why do the doctors work only half-day, if at all? Why are there no medicines readily available? Why do five students share one textbook? Why do (community) libraries exist when the shelves have no books? Why are the day-care centers closed? Why are the informal settlers mired in poverty and hopelessness? There is no energy, no dynamism and no vibrancy in my district. We should unleash the spirit of change that will animate the district and wake people up from their feelings of helplessness.”

TRANSLATION: Wang doktor, wang libro, magsayaw na lang tayo, gano’n?

Kahit na halos walang pag-asa ang pulitika sa Islas Filipins, nananaig ang positibismo ni Danton. Aniya, “You cannot just complain and do nothing concrete. We are great talkers but bad workers. (The) government gives you access to resources that can be used to change people’s lives.”

TRANSLATION: Puro tayo dada na walang ginagawa. Kaya ‘yung mga nagbabalak na hindi boboto ngayong eleksyon, wala kayong karapatang magreklamo. Entiendes? Entiendes!

Sa totoo lang, mas majeerap ang ganap ni Remoto dahil ang kalaban niya ay ang malakas na Familia Defensor.  Nababakbak ang kanyang mga poster, ginagawang kahinaan ang kanyang kabaklaan.

Ngunit nariyan ang kabaitan ng mga tunay na sumusporta sa kanya.  Kahit na scratch paper lang ang ginagamit na pang-pamphlet, kahit na arbor ni Nikki Coseteng ang maliit na truck na ginagamit niyang pangparada, nakikita ng mga tao ang kanyang tunay na malasakit sa distrito.

Kung siya ang manalo, at Nawa’y manalo siya, isa itong malaking SAMPAL sa mga hinayupak sa Comelec.  Ika nga ni Remoto:

“Sila ang Phantom, kami ang Opera!”

‘Yun na, teh!


Actions

Information

6 responses

11 05 2007
Homie

Nawa’y manalo ang Danton – sayang di rin ako taga-QC para naman ma-iboto ko siya. Sana rin makita ng mga taga-QC na hindi lang ang kapakanan ng sangka-badingan ang itinataguyod ni Danton. Sayang ang “Ladlad” – napanood ko kung gaano ka articulate ang Danton at Doni when they guested with Korina – sayang at bobo ang mga taga-Comelec na nabulag sa marginalization ng sang-kabadingan pero nakita ang pangangailangan nina Velarde at Villanueva at ng PBA para i-approve ang respective party-lists ng huling 3.

11 05 2007
11 05 2007
pat

isn’t he considered a nuisance candidate? parang tanga noh? good luck.

11 05 2007
empressmaruja

@ pat – His partylist Ang Ladlad was judged by Comelec as nuisance. However, he ran for Congressman instead. I don’t think an Ateneo/Rutgers graduate is “tanga.” Mabuti nga’t gusto niyang gamitin ang kanyang talino sa pulitika. Kumpara mo naman kay Victor Wood.

14 11 2007
danton remoto

Hello Maruja,

Danton Remoto here. Invite mo naman ang maraming readers ng blog mo to the book launching of Ladlad 3 on December 1, Saturday, 5 pm at Bestseller’s Bookstore, 4th floor, Robinson’s Galleria.

May book signing, singing, dancing, food and drinks. Sana makarating ka rin. Maraming salamat talaga sa malaki mong tulong sa aming lahat.

Danton Remoto

18 11 2007
Maruja Sunday Specials #17 « They Call Me Maruja: A Colorful Life at Random

[...] mga Marcy! Inaanyaya ni Binibining Danton Remoto tayong mga bekla na sodom gumora sa book launching ng “Ladlad 3″ na gaganapin sa [...]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Follow

Get every new post delivered to your Inbox.