Sa totoo lang, masaya na aketch sa aking trabaho bilang “bomba star”. Kaunting benta ng laman, may pera na tuwing kinsenyas.
Pero noong mga nakaraang linggo, nakatanggap ng tawag ang lola niyo. May alok. Alok na tumalon ng bakod, lumipat ng ibang kumpanya. Take note, hindi ako ang lumapit. Sila.
Ang ganda ko kasi. CHAROTEE!
Sunud-sunod na kuwento ang dapat kong ilalagay ngayon sa blog ketch, kaya lang sobrang naging busy-busyhan ang lola mae. Ayan tuloy, tumambak lahat at kailangan kong isa-isahin ang mga post.






























WORDS FOR MARUJA