(UPDATED)

Hanggang ngayon ang aking mga daliri ay nangangamoy shumod clorox sa tindi ng chlorine.
Bakasyong grande ang lola Maruja niyo ngayong weekend, panahon ng pag-aayuno, pagninilay-nilay, at pagluluhod…
Dahil tayo’y nagdadasal. Kayo ha…
Habang ang ibang mga jokla sa Maynila ay gora ever sa Boracay at sa Puerto Galera (ang sinasabing kapitolyo ng kalaswaan…este, kabaklaan ng Pilipinas), ako naman ay lumipad sa ibang lupalop para lang samantalahin ang iilang araw na bakasyon.
Noong Biyernes Santo na-confirm ang aking flight patungong Grotto Vista. Dapat sana’y may stopover pa aketch sa balaysung ni Svelte pero nag-freak out ang aking Papa dahil pinaalam ko ang sleepover dalawang oras bago ako dapat umalis. So ayun, cancelled ang first flight at kailangang mag-rebook. Ang itinerary: Flight no. EMP-627 mula Quezon City hanggang San Jose del Monte City via Tomas Morato via Delta via Fairview via Tungko. Departure time, Sabado de Gloria 0600H Quezon City time.
Bakla, hindi biro kung sinabi kong nag-flight kami, dahil talagang lumilipad ang mga jipang at busey na sinakyan namin sa sobrang bilis nila humarurot sa maluwag na kalye.
Tatlo kaming magkakasama sa bakasyon:
Si Siren (siya ‘yung kumakanta)…
Siya ang presidente ng aming theater group noong batch ko.
Si Svelte (‘yung nasa kanan)…
Org-mate na naging kachika at ngayo’y kapwa-working girl.
At siyempre, si Empress Maruja (nasa kanan din)…
Mataba, maganda, kaakit-akit. Lahat ng lalake’y nagsasabing, “Iba ka, Maruja…haaaaaah…”
Mula sa tarmac ay sumakay kami ng three-wheeled shuttle mula Tungko Airport hanggang Grotto Vista. Nagulat kami nang makita namin na hindi lang pala kami ang nag-iisip na agahan ang biyahe para hindi maubusan ng cottage. Milya-milyang mga utaw ang nasa gate. Good luck sa amin, balak pa naman naming mag-overnight at (hopefully) maka-booking.
Yes, mga bakla, ibang klaseng luhuran ang nasa malikot namin isip, pero no peer pressure. Kung walang ganap, eh di orlo. Kung meron, eh di palakpakan ang mga bakla.
Si Svelte ang nagsilbing coordinator naming tatlo. Siya ang chumika sa mga staff kung makaka-kuwarto kami, pero wa pa raw. Kaya ayan napilitan kaming bumayla na lang ng cage (cottage na may lock) para magsilbing panandaliang hideaway.
Habang nakapila si Svelte para magbayad ng entrada ay may mamang nakikipagwarla sa staff. Aga-aga huh may nagmamaasim. Hindi namin mapigilan ni Siren ang makinig…
MAMA: May umaangkin ng nipa hut na tinutuluyan namin! Sabi nila kanila raw ‘yun.
STAFF: Bakit po? Ano po ‘yun number ng hut niyo?
MAMA: Seventeen, pero ‘yung nipa hut na pinuntahan namin no. 7.
STAFF: Sir, mali po ‘yun nipa hut na pinuntahan niyo.
MAMA: Malay ko ba? Akala ko walang kaso ‘yun.
STAFF: Sir, sorry po, pero kailangan po kayo lumipat sa no. 17.
MAMA: Eh sila na lang ang palipatin niyo! Nilatag na namin lahat ng gamit namin, tapos bubuhatin pa namin?
STAFF: Sige po, tatawag na lang po kami ng mga taong magbubuhat ng gamit niyo.
Mali na nga, nakuha pang magrason ang mokong. Hmpf!
Pagpasok namin sa resort ay inalalayan kami nang mabuti ng isa sa kanilang guwapong porter. Kung kausap ni Svelte ay makikita mo ang mga mapuputing ngipin mula sa matamis na ngiti ni lalake. Siyempre ayaw naming magpaligwak sigaw ketch kay Svelte: “Pakilala mo naman kami!” Itago natin ang porter sa pangalang “Bert.”
(PART 2)
Inescort kami ni Bert patungo sa aming dilaw na hawla. Dito namin nilagay ang aming mga gamit, nag-costume change, at nilock ang cage.
Maraming nangyayari sa Grotto Vista. Nakababad sa mga pool at iba’t ibang nilalang. Nakatambay naman sa mga cottage ang mga katiwala’t mga nakakatanda (dahil hapon pa sila lalangoy). Nag-uunahan naman ang ibang makapagluto sa mga communal grilling stations. Ang iba nama’y tinatao ang mga videoke habang mapatid ang litid sa lalamunan.
Dati nang nakapunta sina Siren at Svelte sa Grotto Vista, kaya alam nilang hindi bagay sa aming kagandahan ang pinakasentrong pool nito (ito ‘yung may malaking galleon sa gitna). Bagkus, nagtungo kami sa isang two-level pool. Eksaktong binuksan ng mga tauhan ang pool na ito sa publiko nang nagtungo kami, at talagang solo naming tatlo ang pool for five minutes bago nagsidatingan ang masses.
Binilad namin ang aming mga nagseseksihang katawan sa ilalim ng fountain. Kanya-kanyang mga ganap, kanya-kanyang posing, with matching biritan pa to the tune of “I Believe” Fantasia.
Yes. Falsetto kung falsetto. Scandal kung scandal…
I can see it in the stars across the sky
Dreamt a hundred thousand dreams before
Now I finally realize
You see I’ve waited all my life for this moment to arrive
And finally ee-yeah-ee-yeah-ee-yeah-ee-yeah-yeah-yeah…
I believe in the impossible
If I reach deep within my heart
Overcome any obstacle
Won’t let this dream fall apart
See I strive to be the very best
Shine my light for all to see
Cause anything is possible
When you belieeeeeeeeeeeeeeve yeeeeeeeeah!
Patingin-tingin ang aking mga mata habang nakababad, nagbabaka-sakaling may lalakeng itinadhana sa amin para sa araw na iyon. Kaya lang, mukha malabo. Kung hindi may kyota, may syota.
Kaysa maduling pa kami sa kakaasa, nagkuwentuhan na lang kami sa isang sulok ng pool. Pinag-uusapan namin ang iba’t ibang karakter dito.
Isa dito ang isang badingding (bading na dalaginding) na itawag natin sa pangalang “Sunshine”. Makyubis, nakaputing t-shirt with matching pink na headband. Nakaupo lang si Sunshine sa isang tabi ng pool, ang mga paa’y nakababad sa tubig, habang yakap-yakap ang dilaw na salbabida.
Inaabangan namin lumusong si Sunshine sa tubig pero namuti na ang mga mata nami’y pa-girl pa rin ang bruha. Gusto nga raw lapitan ni Siren at sabihan ng, “You know, I look just like you ten years ago.”
Since inaalagaan namin ang aming fair skin, umalis kami ng pool pagsapit ng tanghali. Papunta kami ng reservations upang magbakasakaling may bukas na kuwarto nang makasalubong namin sa Bert. Kitang-kita ng aming mga mata ni Siren kung paano makakindat si Bert kay Svelte pero pagdaan sa amin para wala lang. Tinanong namin kay Svelte kung may napansin siya. Wala naman daw. Hmmm… Arms akimbo na lang kami ni Siren with matching tapik-tapik on the elbows.
Wala pa raw kuwarto. Balik na lang daw kami mamaya.
Habang naghihintay sa aming cage ay kumonsep kami. Gamit ang aking digicam (na hanggang 24 na picutres lang ang kaya, no thanks to the 8MB na memory card), nag-ala Philippines Next Top Model kaming tatlo. Ang challenge ay maximizing the space. Unahin natin si Svelte…
Svelte, this is your best shot:

MARUJA: Kalokang posing!
SIREN: Siyempre pakita talaga ang best asset, ang legs!
Up next is Siren…
Siren, this is your best shot:

SVELTE: Pa-girl…
MARUJA: Pang-Friendster…
And finally we have Maruja…
Maruja, this is your best shot:

SIREN: Naghihintay ka yata ng biyaya mula sa langit.
SVELTE: Kumakapit sa patalim…
Pagkatapos kumain sa kanilang canteen, nagtungo muli kami sa reservations. May kuwarto na raw.
(itutuloy…)































hahahahahahahahaha!! nakakaloka ang videos nyong tatlo.. very rencee nga ag emote nung first ha. pauli’s was all the same wagi. yung sa iyo maru! winner to the max!! even the people here wont stop laughing.. kaloka!! hahaha
oooh grotto vista. i iremember the days.. nakatricycle kameng tatlo going there,, with our jollibee (burger steak) baons. umbrella lamang ang narent namin nuon.. very cheap, very student,. may music video pa kame every time may magandang background!! yahk!
and i so love their aquarium effek!
tell me more.. tell me more..
More kwento!! What happened next?
Bongga! I like the trip or the escapade ha! Anyway Happy Easter to you dear!
Good for you Empress, may vacation! Kakainggit! I’m sure ang dami mong na meet na “keke” dun! Sana nagnilay-nilay ang ‘yong mga kilay sa mga dapat hilayin (joklang).
continue the story, pleassseee…..
bitinin ba naman kami.
Juice! Ang zaya-zaya naman ng semana santa ng mga Gagah! Invite nyo naman ako next year ha! Tse!
Ang ganda ng mga pics! Ang tataray! Parang model lang. In fairness, di ko po alam kung san ang Grotto Vista. Minsan pala punta ako dun, isasama ko ang mga straight (and boring friends ko) para ilunod sa pool. Hahaha. Mukhang masaya, sana minsan mapuntahan ko.
kainggit! ang sarap naman ng bakasyon mo.
soooo bitin… but I’m willing to wait for the continuation.
[...] Keep Reading [...]
[...] April 12th, 2007 · No Comments (Take note that Part 2 is updated from the previous post.) [...]
[...] (Take note that Part 2 is updated from the previous post.) [...]
tarayera..!!!! sana sa susunod, magsama kayo..!!